^

PSN Opinyon

Tagumpay ni SPO2 Fidel Geronimo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

(Unang bahagi)

WALANG mapagsidlan ng kaligayahan si SPO2 Fidel Geronimo maging ang kanyang pamilya matapos ma­absuwelto sa kasong isinampa sa kanya ni Rodolfo Tupaz sa Ombudsman. Nag-ugat ang mabigat na prob­lema ni Geronimo nang masita at makapkapan nito si Tupaz na may baril at patalim sa loob ng Pampanga Res­taurant OTB-KTV sa may panulukan ng Magalang at Matipuno Sts., Quezon City noong December 4, 2007. Hindi inaasahan ni Geronimo na kakatigan ng Ombudsman ang kanyang apela laban kay Tupaz kung kaya maging ang pag-aaral ng kanyang anak ay naapektuhan at maging ang kanyang benipisyo ay kamuntikan ng mawala sa kamay ng dahil sa akusasyon sa kanya. Ngunit dahil kapani-paniwala ang kanyang isinumiteng salaysay naabsuwelto siya.

Kuwento ni Geronimo: “Naimbitahan lamang ako ng aking kaibagan na kumain sa naturang restaurant. Habang masaya kaming nag-uusap ng aking kaibigan ay napansin kung masama ang tingin sa akin ng isang tao di kalayuan sa aming lamesa, sa aking pasulyap na tingin napansin kong may nakabukol sa kanyang tagiliran kung kaya agad akong tumayo at nilapitan, sa paghihinalang may ma­ samang balak ito. Aking kinapa ang kanyang tagiliran at doon ko nakapa ang nakasukbit na baril at ng aking busisiin ang dala nitong bag ay nakita ko ang isang balisong kaya tinawag ko ang may-ari ng restaurant na siya kung inutusan na tumawag ng barangay matapos na ako’y magpakilalang pulis. Dinala namin ang lalaki sa barangay hall at doon nakilala ito na si Rodolfo Tupaz.

(Itutuloy)

DINALA

FIDEL GERONIMO

GERONIMO

HABANG

KANYANG

MATIPUNO STS

PAMPANGA RES

QUEZON CITY

RODOLFO TUPAZ

TUPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with