Mga proyekto para sa mahihirap
Bilang mga doktor, ang layunin po namin ay ang magbigay ng payo at tulong sa ating kababayan. Heto ang mga proyekto namin ng aking maybahay na si Dra. Liza Ong:
Regular na Medical Mission na isinasagawa tuwing unang linggo ng buwan sa Leveriza street, Pasay City (sa Pasay Filipino-Chinese Fire Station Building). Ang charity clinic na ito ay itinatag pa noong 1991 at may 20 taon nang tumutulong sa ating kababayan. Bawat buwan may P40,000 na budget ang charity clinic mula sa mga Tsinoy para sa mga 400 pasyente na dumadalaw dito.
Libreng Medical Mission sa ABS-CBN’s Salamat Dok –May 3 taon na kaming gumagamot sa Salamat Dok. Si Dr. Liza Ong ay isang general practitioner at ako po ay isang cardiologist at internal medicine specialist. Pinapaalala ko lang na kung malala na ang sakit ay dumeretso na sa mga gobyernong ospital at huwag nang magbakasakali pa sa mga medical missions.
Libreng payo sa diyaryo - Sa pahayagan, puwede kayong magbasa ng mga health tips at articles sa Pilipino Star NGAYON tuwing Huwebes, sa PM (Pang-Masa) tabloid tuwing Linggo, at sa The Philippine STAR tuwing ikalawang Martes. Maging maalam sa mga dapat kainin at dapat gawin para makaiwas sa sakit. Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng The Philippine STAR, na si Mr. Miguel G. Belmonte, sa kanyang pagtitiwala sa akin.
Libreng payo pang-kalusugan sa internet – Para sa mga payong pang-kalusugan, puwede kayong mag-log on sa internet sa docwillieandliza.com para mabasa ang may 200 artikulo tungkol sa inyong kalusugan. May mga payo dito tungkol sa lahat ng sakit, mula sa diabetes, sakit sa puso, altapresyon, sex at iba pa. Hanapin lang ang Blog site kung saan matatagpuan ang mga tips at payo.
5. Libreng payo sa radyo – Makinig sa DZRH (666 sa AM band) tuwing Sabado mula 5:30 P.M. hanggang 6:30 P.M. ng hapon para sa programang “Docs on Call”. Madalas kaming may ekspertong panauhing doktor para magbigay ng libreng payo para sa ating mamamayan. Bukod sa radyo, mapapanood din ito sa internet sa DZRH.tripod.com at sa Dream Cable TV at Cable link TV. Nagpapasalamat kami ng lubos sa pamunuan ng Manila Broadcasting Company (MBC) at DZRH, lalo na kay Mr. Joe Taruc sa kanyang pagtiti-wala sa amin.
Ugaliing aralin ang inyong sakit sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig at panonood sa mga programang pang-kalusugan.
God bless po!
- Latest
- Trending