Fraudulent Profile
Marami na ang mga nahulog sa bitag ng mga manlo- loko sa isang kilalang website ng mga inaalok na produkto, ang sulit.com.
Ilan sa mga nabiktimang lumapit sa BITAG hindi na nagreklamo sa mga otoridad.
Alam nilang hindi ganoon kadali na habulin ang mga nanloko sa kanila kaya’t, pinalalagpas na lang. Ayaw nang maabala pa.
Bagamat may babala ang sulit.com.ph sa mga bumibisita sa kanilang website upang maiwasan na mabikti- ma ng mga manloloko, lalo lamang dumarami ang bilang ng mga nabibiktima.
Tatlong pobreng biktimang magkakapatid ang naglakas-loob na lumantad upang ipaalam sa Bitag ang kanilang kakaibang sinapit sa website ng sulit.com.ph..
Hindi sila biktima ng mga nagbebenta ng mga produkto, kundi ginamit ang nasabing website upang gawan sila ng fraudulent o pekeng profile account.
Nag-umpisa raw ang lahat ng nag-resign ang magkakapatid sa kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan bilang mga exclusive distributor ng mga mamahaling kaldero, ang Nutri Cuisine.
Subalit dahil sa hindi pagkakaunawaan sa kanilang benta at kliyente sa kumpanya, may binitiwang banta raw ang mag-asawang may-ari sa magkakapatid.
Dalawang buwan ang lumipas, dinagsa sila ng tawag, hindi kaldero ang tinatanong na presyo kundi kanilang katawan at pagkatao mismo.
Walang oras na pinipili, maging madaling-araw at personal na numero sa bahay. Isang dating kasamahan ang nagsabing, sa sulit.com matatagpuan ang kanilang mapanirang profile account.
Ang fraudulent profile ay isang cybercrime na nagiging problema ngayon ng mga law enforcement o otoridad sa iba’t ibang bansa partikular sa Estados Unidos.
Ito ‘yung pagkakaroon ng isang profile account sa isang social website katulad ng facebook, friendster, twitter at marami pang iba na hindi ang tunay na nagma-may-ari ang gumawa nito.
Isang pekeng profile account kung saan ang intensiyon ay sirain at babuyin ang pagkatao ng isang tao.
Kasalukuyang pinang-hihimasukan na ng National Bureau of Investigation-Compu-ter Crime Division ang kasong ito ng magkakapatid.
Subalit hindi idedetalye ng BITAG ang mga susunod na hakbang na gagawin ng aming grupo at ng mga otoridad sa kasong ito..
Abangan!
- Latest
- Trending