^

PSN Opinyon

One strike policy

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

INAYUNAN ng Palasyo ang one strike policy ng PNP sa mga kapulisang nabistong may kinalaman sa jueteng. Sa isang administrasyong kumampanya sa pangakong lalabanan ang korapsyon, ang ganitong zero tolerance policy ay kritikal. Paano pa mapapatunayang sinsero at seryoso ang pamahalaan kung ang init na pinamalas noong hinihingi ang ating boto ay hindi naman mapangatawanan? Hindi lang dapat isip at salita – dapat ay mayroon ding gawa. Patunayan ito sa agarang pagpataw ng parusa kapag magkabistuhan at sa walang pakundangang pagpatupad, maging sino man ang tamaan. Maging sino man.

Ganito ang senyales ng hakbang ni P-Noy na pangalanan ang mga opisyal na kanyang pananagutin sa hostage tragedy batay sa rekomendasyon ng IIRC report. Una na rito si Undersecretary Rico Puno ng DILG. Wala raw kaibi-kaibigan. Ang mahalaga ay ang katotohanan ang manaig dahil ito ang utang niya sa bayan na siyang tunay niyang boss. Mula umpisa pa lamang ng imbestigasyon naging malinaw sa pakiwari nang marami na may pagkukulang si Puno sa kanyang ikinilos. At inaasahan na ang kanyang pagkadawit sa rekomendasyon ng lupon.

Ngayo’y dumating din ang paratang ni retired Archbishop Oscar Cruz na si Usec. Puno ay may nalalaman din sa kuwento ng jueteng. Tunay man o hindi ang akusasyon, hindi na maitatanggi ni P-Noy na kapag hindi napatalsik si Puno ay maaapektuhan ang kumpiyansa ng tao sa kanyang kampanya laban sa katiwalian at sa kanyang sinseridad bilang pinuno.

Zero-tolerance. One strike policy. Ang kanyang matalik na kaibigan ay “not just once, but twice” nang sumabit. Bumibinggo na siya. Puno na ang salop para kay Usec. Puno.

Labintatlo ang nabanggit na nirekomendang pana­gutin sa trahedya. Para sa akin, mas kontrobersyal ang report sa hindi nabanggit na pangalan. Maliban sa tatlong media, lahat ng isinamang personalidad kung hindi man local hindi man local official ay mi-yembro ng kapulisan. Lahat ng mga ito ay napapailalim sa tanggapan ng iisang opisyal – isang taong pinairal din ang one-strike policy sa kanyang pinanggalingang posisyon, ang Secretary of Interior and Local Government. Five strikes na yata si Sec. Robredo.

Kung may natitira pa siyang delikadesa, panahon na sigurong ipamukha niya          sa bansa at gawin ang hono-rableng alternatibo.

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BUMIBINGGO

KANYANG

P-NOY

PUNO

UNDERSECRETARY RICO PUNO

USEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with