^

PSN Opinyon

'Doctor 'nose' best'

- Tony Calvento -

  (Huling bahagi)

“ISA siyang extortionist. Minsan na niyang kinasuhan ang mga nauna niyang doktor at hinihingian niya ang mga ito ng pera,” depensa si Dr. Cenica.

Nung nakaraang linggo naisulat sa aking pitak ang istorya ni Janet Carandang na nagpareto ng ilong na si at umano’t nasira ng isang sikat na ‘celebrity cosmetic surgeon’ na si Dr. John Cenica.

Ang mga sumusunod na pahayag ay ilan sa mga nilalaman ng kanyang kontra salaysay na isinumite sa amin ni Janet. Tinagalog namin ito sa abot ng aming makakaya.

Nung unang beses na pumunta si Janet sa kanyang klinika para magpakunsulta at ipaayos ang kanyang ilong, sira na ang ilong ni Janet.

Walang basehan ang reklamo ni Janet dahil kilala siya bilang ‘extortionist’. Pera lang ang kanyang habol. May rekord din daw si Janet na nag-extort o nangingikil siya ng pera sa mga dati niyang doktor na nag-aayos ng na kanyang ilong. Alam umano ito ni Dr. Cenica.

Sa punto namang bawal pagsabayin ang paglagay ng ‘paraffin’ sa at pag-‘scrape’ ng ilong. Wala umano batayan, nasabi lang ito ni Janet dahil marami na siyang karanasan sa pagpaparetoke ng kanyang ilong.

Aminado naman si Dr. Cenica na pinayuhan niya si Janet na tanggalin ang natirang paraffin sa ilong nito subalit ang dalaga umano ang nagpumilit na sumailalim sa ‘silastic implant’ at hindi siya.

Ang totoong pangyayari, nung Hunyo 2006, lumbas sa X-ray ng kanyang ilong na may naiwang ‘fragments’ sa kanyang ilong. Kaya sinabi niyang kinakailangan matanggal ang paraffin at pumayag siya dito. Wala siya intensyong ilagay agad ang implant. Ang plano niya, ilagay ang implant sa ibang pagkakataon subalit nagmamadali umano si Janet dahil may trabahong naghihintay sa kanya sa Singapore at aalis na siya makalipas ang ilang araw. Napilitan si Dr. Cenica.

Ipinaliwag niya na ’50 % chances of success’ at ’50 % chances of failure’ ang isinagawang pangalawang opersayon. Itinuloy pa rin ito ni Janet, sumugal si Janet at inisip ang positbong resulta ng operasyon kahit na binalaan na siya na hindi garantisadong 100 % successful ang operasyon kaya walang karapatan si Janet na magreklamo.

Dagdag pa ni Dr. Cenica, ang resulta ng operasyon ay nagde­depende sa ‘immunologic system’ ng pasyente. Hindi na kontrolado ng doktor ang magiging epekto ng silastic implant sa katawan ng pasyente matapos itong operahin. May mga pasyenteng hindi nagkakaproblema matapos ang procedure subalit may iba namang nagkakaroon ng komplikasyon.

Depende rin ito sa ‘twist of nature’. Malinaw na ang hindi ma­gandang resulta ng operasyon ay hindi nangngahulugang naging pabaya ang isang doktor. Isa itong ‘act of God’ at hindi masasabing ‘criminal act’.

Hindi totoong pinagpahinga niya si Janet sa bahay at binilinang alisin ang bandage sa kanyang ilong makalipas ang dalawang linggo. Hindi umano ito ang pinapayo niya sa kanyang mga pasyente.

Nasa regulasyon nila na bumalik kinabukasan ang pasyenteng sumailalim nose lift upang tanggalin niya mismo ang bandage. Ginagawa niya ng buong pag-iingat, nililinis ang ilong at pinapalitan ng ‘operative bandage’. Pinababalik niya rin ang pasyente limang araw matapos ang operasyon para tuluyan ng tanggalin ang benda sa ilong. Hindi raw sumunod si Janet sa kanyang utos na bumalik sa klinika.

Bumalik si Janet makalipas ng dalawang linggo. Mag-isa pa niyang tinanggal ang benda kaya’t walang dapat sisihin kundi siya.

Hindi rin totoo na pinapirma niya si Janet sa isang papel matapos niya itong painumin ng Dormicum (gamot pampatulog). Gawa-gawa lang umano ito ni Janet. Bago operahan at painumin ng gamot ang isang pasyente pinapipirma sila sa isang ‘consent for operation’. Imposible ring ang isang pasyente na nakainom ng Dormicum na nakakaramadam ng hilo at pagka-‘groggy’ ay magagawang pumirma sa isang ‘request’.

Hindi kinagulat ni Dr. Cenica at ni Janet ang resulta ng operasyon. Hindi rin totoo hindi siya handang ipaliwanag ang masamang resulta ng operasyon. Kasalanan ito ni Janet dahil dalawang linggo ang hinintay niya bago bumalik sa klinika.

Hindi rin siya nagsabi ng, ‘sorry’ kay Janet sa naging resulta ng operasyon. Isa lang itong ‘slanted adjective’ ng isang desparada lang si Janet na gagawin ang lahat para lang makapag-extort.

Hindi rin para para magugulat si Janet dahil pumunta siya sa kanyang klinika para ipaayos ang sira na niyang ilong.

Ang mga larawan din ng nasirang ilong na ginawang ebidensya ni Janet laban sa kanya ay dati na niya nakita ng una itong magpunta sa klinika.

Iba rin daw ang ginawang statement ni Janet tungkol sa tunay na pahayag ni Dr. Abogado sa kanyang ilong. Wala rin siyang naibigay na affidavit ni Dr. Abugado na magpapatunay na talagang totoo ang sinabi ng doktor sa kanya.

‘Functional’ pa rin ang ilong ni Janet ayon kay Dr. Cenica dahil kung hindi malamang patay na siya dahil sa hirap sa paghinga.

Tumagal na ng tatlong taon ang kaso. Nakitaan ng PROBABLE CAUSE cause ang kaso ni Assistant City Prosecutor Minerva Alejandria-Bautist nung nailabas ang resolusyon nitong Pebrero 2010.

Nag-‘Motion for Reconsideration’ si Dr. Cenica sa Department of Justice. Nailabas ang resolusyon nitong Hulyo 2010. DISMISSED ang kaso.

Base sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na pirmado ni Usec. Ricardo Blancaflor na na-reverse ang resolution at pinawi-‘withdraw’ na ang information na finile laban kay Dr. Cenica sa Prosecutor ng Manila dahil umano suspetsa lang ang mga akusasyon laban sa doktor.              Nakapag-file na rin sila Janet sa Philippine Medical Association (PMA) subalit hanggang ngayon wala pa rin umanong nangyayari sa kanyang reklamo.

“Hindi po ako susuko. Siya naman ang may gawa nito. Alam niya, siya ang dahilan kung bakit naging ganito ang itsura ng ilong ko,” huling pananalita ni Janet.

Gustong malaman ni Janet ang legal na hakbang na maari niyang gawin kaya naisipan niyang magsadya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 KHZ (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Janet.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinayuhan namin si Janet na kailangan niyang makausap ang mga doktor na una ng humawak sa kanyang ilong bago siya sumailalim sa operasyon kay Dr. Cenica. Makakatulong mabasura ang salaysay ni Dr. Cenica na sira na ang ilong niya bago pa siya dumating sa klinika nito.

Ganun pa man kung makapagsasalita lang ang ilong ni Janet... isa lang masasabi nito, ‘RES IPSA LOQUITOR’ (The thing speaks for itself).

Hindi naayos ito bagkus nadisgrasya pa nga!

PARA sa isang balanseng pamamahayag tinatawagan namin ng pansin si Dr. John Cenica para makuha ang kanyang panig.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

*     *     *

Email address: [email protected]

vuukle comment

DR. CENICA

ILONG

JANET

KANYANG

LSQUO

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with