^

PSN Opinyon

P-Noy natanso kay Robredo

- Al G. Pedroche -

MAHUSAY man ang leader, dapat mahusay din ang mga katulong niya sa paglilingkod. Kung hindi, sasablay siya. Nagkakaisang ibinoto ng sambayanan si Benigno “P-Noy” Aquino bilang Pangulo. Ang pag-asa nila ay matatagpuan na ang “daang matuwid.” Tulad ng karamihang Pilipino, nag-aalab ang pag-asa sa puso ni P-Noy. Sinsero siya sa pagsasabing: “Puwede na tayong mangarap muli”. Wala siya ni katiting na hangaring lokohin ang sambayanan.

Kumikinang ang accomplishment ni DILG Sec. Jesse Robredo bilang Mayor ng Naga City. 1988 nang siya’y maging Mayor sa edad na 29. Umunlad ang dating walang kabuhay-buhay na siyudad sa loob ng ilang taong pamamahala. Naihanay ang Naga City sa listahan ng Asia Week Magazine ng “Most Improved Cities in Asia” noong 1999. Tumanggap pa si Robredo ng Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2000. Kaya walang pag-aatubili si P-Noy nang irekomenda ng screening committee ang paghirang sa kanya bilang Kalihim ng DILG. Maganda ang impresyon sa kanya ng kanyang mga tagasuporta sa Liberal Party (LP). 

Pero habang may hostage-drama sa Luneta na iki­namatay ng walong Hong Kong nationals dahil sa palpak na pagresponde ng mga awtoridad, wala si Robredo. Nasaan siya? Iyan ang tanong ng marami. Ang “ginto” ay naging “tanso” sa isang iglap.

Sablay ang mga sagot ni Robredo sa panayam sa pambansang telebisyon. Para bang sinasabing hindi siya dapat ma-involve sa isang local na situwasyon. Tila naghuhugas-kamay! Nakalimutan na ba ni Robredo na ang Philippine National Po­lice ay nasasakupan ng kanyang kapangyarihan at hindi siya ubrang maghugas-ka­may    sa mga pagkakamali nito?

Hayy! Aniya hindi siya ba­hagi ng crisis management group na nanguna sa —pag­­­­kum­­­binse kay dating Senior Ins­pector Rodolfo Mendoza. “I was not in the loop. Hindi ko alam kung ano ang nang­yayari sa mga pag-uusap nila,” aniya. Wow naman! Itinuturo niya ang tauhan niyang si DILG Undersecretary Rico Puno na siyang naa­ta­sang mag­masid sa mga nangyayari sa Quirino Grand­stand no­ong mga oras na iyon.

Oo, Secretary Robredo, noong mga oras na ku­ma­­ka-in ka ng sugpo at ali­mango sa Emerald Res­taurant, pi­nuputukan na ni Mendoza sa ulo ang kan­yang mga bihag! Ang isang tunay na pinuno, hindi nag­tuturo ng sisi dahil siya ang dapat na umaako rito. Ang isang tunay na pinuno ay ginto at hindi tanso.

ASIA WEEK MAGAZINE

EMERALD RES

GOVERNMENT SERVICE

NAGA CITY

P-NOY

ROBREDO

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with