^

PSN Opinyon

Hoy, Kapitan Ako...!'

- Tony Calvento -

(huling bahagi)

NUNG BIYERNES, nailathala ko ang mga pakiusap namin kay Mayor Herbert “Bistek” Bautista na kung pwede lang ay maayos na ang gulo sa Barangay Masagana, Project 4, Quezon City.

Nangako ako sa inyo na tatalakayin ko ang mga ‘text messages’ na aming natanggap kaugnay sa reklamo nila Benjie Ra­mos, Danny Rodriguez at Roland Molina. Ang disenyo ng barangay kung saan iniutos umano ni Kapitana Jhet Ginete na dinidikit ang bakod ng barangay hall sa naka hilerang bahay sa likod nila.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag aming ilalabas ang mga mga reaksyon at impormasyon na nakarating sa amin tungkol sa pitak na ito.

Mula sa 09196296038- Good pm sir regarding sa Barangay Masagana, wala naman sira yung Barangay hall bakit giniba? Siguro maganda ang lagayan. Ang kapal ng mukha niya.

09165387219- taga Masagana ako at tama lang ang ginawa ninyo kay Kapitana Ginete. Alam niyo po ba na pinapinturahan niya ang Barangay Hall ng violet, buwan bago mag eleksyon. Ito kasi ang kulay niya pati mga street signs at bubong ng barangay hall kulay ube. Sayang ang nagastos sa pintura ide-demolish lang pala. Tama po ba yun?

+6326973094- Kapitan ako, comment barangay Masagana. For your info. Mawawalan ng parking at magsisiksikan ang mga pupunta sa Barangay hall kapag inusog ang itatayong barangay hall at pinagbigyan ang hiling ng pamilya Molina. Ang serbisyo ng barangay ay dapat sa nakakarami hindi para sa isang pamilya lang. Ginagamit ni kagawad Roland Molina ang kanyang pwesto para pagbigyan ang kanilang sariling interest. Public property po iyan kaya wala silang karapatan na pagdusahin ang mga constituents para lang magkaroon sila ng parking sa mga magagarang sasakyan nila.

09351673303- concerned citizen lang po ng Barangay Masagana. Pansin namin everyday may libreng ‘lunch’ mga employee sa barangay. Big na mga tiyan nila. San kaya nila na­kuha budget?

09277617361- taga Barangay Masagana ako at salamat sa paglathala ninyo. Matagal na ko nagtataka bakit sobra ang pagka atras ng barangay sa pader ng mga bahay doon sa likod eh ang luwag luwag naman sa harapan. Ngayon alam ko na ang dahilan. Salamat sa inyo Alam niyo ba na bago mag eleksyon pininturahan pa ang dating barangay ng kulay ni kapitan ginete na kulay ube? Lahat kulay ube tapos titibagin din pala? Sayang kaban ng bayan sa pagpapaintura at sa dating hall. Mas matibay kasi ang materyales noong araw.

+639994044212- Mr. Calvento, thank you sa column niyo tungkol sa kapitan namin dito sa Masagana. Ang dami na pong kalokohan niyan. Pwede niyo rin pong paimbestigahan mga bini­biling gamit dito sa barangay. Karamihan po kasi dito sa boyfriend niyang si John Guttierez pinapadaan at binibili. Isa pa siyang kagawad sa Barangay Silangan Quezon City.

09217397303- sana man lang naging patas kayo dahil kagawad ng barangay si Roland Molina na kasamang nag apruba sa proyekto. Personal na interest ng mga mayayaman tulad ni Ramos at Rodriguez ang pinoprotektahan. Bakit hindi kayo magpatawag ng mga residente para maging patas at walang kinikilingan ang inyong paglalathala ng katotohanan.Dalawang tao ang nag­rereklamo pero buong residente ng barangay ang napeperwisyo dahil sa pag aantalang ginagawa ni Ramos na bayaw ni Kagawad Roland Molina at kaibigang matalik ni Danny Rodriguez. Mas ma­lalim ang matutuklasan niyo pag nagpatawag kayo ng mga residente. Yang mga maliliit na langgam na tinutukoy niyo ay isa sa pinakamayaman dito sa aming barangay. Salamat!

+639996794916- Dapat matuloy ang eleksyon ng barangay para mapalitan ang diktadurang Kap Ginete ng Masagana dito sa Project 4. Mabuti at may naglakas loob na magsumbong sa inyo. Maraming anomalya sa barangay. Check niyo po kung sino nakakuha ng mala­laking kontrata sa barangay?

09189127068- Tama yang reklamo kay Ginete na yan. Sobrang yabang wala naman nagagawa sa Brgy. namin

09277617357- Maraming salamat at binigyang pansin mo ang aming barangay Masagana. Panahon na para malaman ang anomalya. Pakitanong sa kanya kung saan napunta ang mga upa sa dalawang stalls sa baba ng dating barangay at upa sa court? Madalas kasi hindi nakakalaro ang mga kabataan dito kasi reserved daw. May bayad kada oras Php 150 po yata. Yung sari-sari store dati Php 4,500 kada buwan.

+639994044219- Yang kapitan Ginete ng Brgy. Masagana eh pinagkakalat na malapit at malakas daw siya kay Bistek.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang reklamo ng mga residente ng Barangay Masagana.

Pinayuhan namin si Benjie na magpunta ng National Housing Authority (NHA) upang alamin ang tunay na estado ng lupang pinagpapagawaan ng bagong Barangay Hall.

Maari din silang makipag-meeting sa City Legal Office para magkaroon ng conference sa usaping ito.

NANGAKO naman si Atty. Alice Vidal ang Presidente ng UE LAW ALUMNI ASSOCIATION na bibigyan ng libreng assistance ang mga taong naapektuhan sa pagka-atras ng Barangay Hall at nasiksik ang kanilang mga bahay.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, uulitin ko na maaring legal ang ginawa nila Kapitan Ginate. Subalit, hindi lahat ng legal ay moral. May mga bagay na dapat kang isaalang-alang bago gumawa ng hakbang.

Sabihin na natin na karapatan ninyo na magkaroon ng bagong Barangay Hall. Sabihin na din natin na yang bakod na yan ay dapat dyan nga malagay. Wala ba kayong mga kunsiderasyon? Pagkakapwa tao ang tawag d’yan. Mga constituents niyo na nagbabayad ng buwis sa Quezon City na mahigit dalawampung taon na nandyan na nakatira.

Masisisi mo ba Kapitana Ginete kung ang iyong mga constituents na ito ay aaray man lang sa nangyayaring ito? Umaasa pa rin kami na maayos ang problemang ito ng Barangay Masagana.

BAGO tayo magtapos may bumulong sa akin na imbestigahan daw namin ang isang nagngangalang John Gutierrez na mukhang pinapaboran sa mga malalaking proyekto sa Barangay Masagana. Kilala mo ba Kapitana sino ang taong ito.

Kung hindi aalamin namin dito sa “Calvento Files” at ibabalita namin sa inyong lahat.  (KINALAP NI AICEL BONCAY)

Sa gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

NAIS KONG batiin si Margie Santos-Roa ang Executive Assistant ni Speaker Sonny Belmonte. Maraming salamat sa iyo Margie sa lahat ng iyong assistance sa kolumnistang ito. Lalo na sa ‘delegation’ ng mga Chinese na pupunta sa ating bayan mula sa Wuhan, China.

*     *     *

Email address: [email protected]

BARANGAY

BARANGAY HALL

HALL

MASAGANA

NAMIN

PARA

ROLAND MOLINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with