^

PSN Opinyon

Kampon ni Arroyo walang pagkabusog

SAPOL - Jarius Bondoc -

PABALAT-BUNGA lang ang angal ng Lakas-Kampi congressmen ni Rep. Gloria Arroyo sa pagbawal ng pag­karatula ng pangalan at retrato nila sa mga proyekto. Iba ang tunay na pakay kung bakit ipinatawag nila si Public Works Sec. Rogelio Singson sa pulong. Ito pala’y para ipa-release kay Singson ang P10.6 bilyong congressional insertions nila sa public works department. Kumbaga, tong-pats na naman ang habol nila.

Public works ang proyektong paboritong pag-kickback-an ng mga kawatang mambabatas. Kunwari’y walang control ang mga kongresista at senador sa pera at kontratista, at taga-lista lang sila ng ilalatag na kalsada, tulay at flood-control. Pero sa totoo, niluluto ang bidding para manalo ang paboritong kontratista. Ito ‘yung nagbibigay sa kanila ng kickback na di-bababa sa 25% ng halaga ng proyekto. Kung sabik na sabik ang minority congressmen sa ilalim ni Arroyo na ma-release ang P10.6 bilyon, ito’y para maka-komisyon na sila.

Inipit ni Singson ang pondo sa pakiusap ni Budget Sec. Butch Abad. Isiningit kasi ni Arroyo mismo sa 2010 Budget Law na ipamamahagi ang congressional insertions kapag lamang nagpasa ang Kongreso ng bagong batas para magkapera ang gobyerno. Ngayon, nais labagin ng Lakas-Kampi ang sariling alituntunin ng pinuno nila.

Sa totoo lang, nilabag na nila ito nu’ng Presidente pa si Arroyo. Nag-release nu’ng Marso si noo’y-budget chief Rolando Andaya Jr. ng pera sa mga kapartidong Lakas-Kampi, saka siya nag-resign para kumandidatong congressman. Ang palusot niya sa pag-release ay dahil umano’y merong savings mula sa budget item na pag­ mumulan ng P10.6 bilyon. Kabulaanan ‘yon. Ang insertions ay galing sa dapat na pambayad-utang ng gob­yerno. Walang savings doon. Kung tutuusin nga, tumaas pa ang utang ng gob­yerno dahil sa pagka­waldas ng adminis­trasyong Arroyo.

Sinabi ko na ito, pero uulitin ko: Mabuti pa ang linta, kapag nabusog, bumibitaw na. Pero ang mga ito, walang pagka­busog.

BUDGET LAW

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

GLORIA ARROYO

LAKAS-KAMPI

PERO

PUBLIC WORKS SEC

ROGELIO SINGSON

ROLANDO ANDAYA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with