'Macacapal, Inc.'
IBANG uri ng tao si Bro. Mike Velarde, ang mga kamag-anak niya at ganundin ang mga galamay na nakapaligid sa kanya. Kamakailan, napag-alaman ko ang racket nila ng kasosyo niya sa Duty Free Philippines at kung ano ang kinalaman ng Buhay Party-List dito. Ngayon naman kapansin-pansin na halos araw-araw mayroong press release at nagpapa-interview ang bata ni Velarde na si LRTA Administrator Melquiades Robles upang ma-reappoint ni President Noynoy Aquino.
Ngunit kahit na anong gawin ni Robles na pagsisipsip para lamang panatilihin sa puwesto kung saan siya lubos-lubos na nagpapayaman, palagay ko, hindi na siya mapapagbigyan dahil sobrang baho niya at ika nga, “kung walang corrupt, walang mahirap”.
Patung-patong ang mga kasong plunder na inihain kay Robles ng Office of the Ombudsman subalit ni isa ay wala pang nailalabas dahil si dating Executive Secretary Eduarto Ermita na may katungkulang ipatupad ang mga ito ay namumulitika. Inakala niyang malakas ang El Shaddai sa kanyang distrito sa Batangas kung saan nanilbihang Kongresista ang kanyang anak na si Eileen Ermita Buhain pero natalo siya noong nakaraang eleksyon. Ngayon ay iba na ang administrasyon. Handa nang panagutin ang mga kurakot sa gobyerno at isa rito si Robles.
Isa-isa nang nilalantad ni P-Noy ang mga corrupt sa gob yerno, at sa tingin ko, nasimulan na niyang silipin ang mga kamalian ni Velarde at Robles. Tiwala ang mga tao kay P-Noy, kaya marahil, bilang na ang mga araw ng dalawa.
- Latest
- Trending