^

PSN Opinyon

R.A. 9995 vs Sex Scandals!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISA nang krimen ngayon ang pagdo-dokumento at pagpapakalat ng mga sex video o litrato sa internet, mga DVD at cellphone.

Naisabatas na ang Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act ng lingid sa kaalaman ng publiko nitong a-15 ng Pebrero lang ngayong taon.

Sa bisa ng batas na ito, ang Republic Act 9995, ipinagbabawal ang pagdodokumento at pagpapakalat ng mga sex video o pribadong litrato ng sinuman.

May pahintulot man ito o wala basta’t makasisira sa reputasyon at dignidad lalo na ng mga biktimang ang kadalasa’y kababaihan, kukundenahin ng batas na ito.

Ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang may sala ay mahahatulan ng tatlo hanggang pitong taong pag­kakabilanggo.

Bukod sa pagkakakulong, may penalty na aabot sa isandaang libong piso hanggang limandaang libong piso ang babayaran ng lalabag sa batas na ito.

Hindi lumabas sa media nang naisabatas ang Repub-     lic Act 9995 nitong nakaraang Pebrero. Maaaring sa dahilang kainitan na noon ng Presidential Election Campaign.

Hindi sa pagyayabang, subalit isa ang programang BITAG sa naging instrument na naging dahilan sa pagsasa-batas nito.

Inumpisahan ito noong taong 2008 ng tanggapan ni Buhay Party List Irwin Tieng na siyang naging orihinal na author nito sa kaniyang Cyber Boso Bill.

Kung hindi pa nalagay sa sentro ng kontrobersiya ang dalawang celebrity dahil sa lumabas nilang sex video, hindi pa agad ma-aaprubahan ito.

Lingid sa kaalaman ng mga mambabatas, taong 2007 pa lamang, marami na ang biktima ng mapanirang sex

 scandal na lumalapit sa BITAG.

Karaniwan, ang mga bik­­tima ng sex scandal, mas mi-nabuting magdusa na lang ng tahimik keysa mag­reklamo’t lumantad sa publiko.

Mga ordinaryong tao at hindi kilala ang mga ito kung saan, ang mga biktima ng sex video scandal, mga estudyante.

At dahil wala pang batas noon, estilong BITAG at batas BITAG ang tangi naming paraan para mabigyan ng hustisya ang mga nagpapasaklolong biktima.

Subalit ngayon, may batas na. Uumpisahan na ng BITAG ang masigasig na pagtulong ng mga dating biktima ng sex scandal na lumapit sa aming tanggapan.

Masusubukan ngayon ang bisa ng bagong batas na Republic Act 9995, kung saan pasok dito ang reklamo ng huling biktima ng sex scandal na lumapit sa BITAG laban sa isang guro sa Tanay National High School. 

ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

BATAS

BUHAY PARTY LIST IRWIN TIENG

CYBER BOSO BILL

PEBRERO

REPUBLIC ACT

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with