^

PSN Opinyon

Ang Malacañang at si Ombudsman Gutierrez, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BUWISIT na binalikan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang kanyang mga critics sa pagsasabing hindi siya dapat patulan este mali hatulan pala dahil hindi siya corrupt!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Gusto kasi ng mga critics ni Gutierrez na sipain ito sa kanyang kaharian kaya naman pini-pressure ito para bumaba sa lalong madaling panahon sa kanyang trono.

Bakit? kasi nga, super bagyo daw si Mercy kay FG Mike kaya binigyan ng puesto ni GMA.

Hindi takot si Gutierrez sa mga critics niya at handa niyang harapin kung siya ay i-impeach sa Kamara.

Si Mercy, ay may fixed term at matatapos sa 2012 bilang bossing ng Ombudsman.

Marami kasi ang tumitira kay Mercy dahil masiadong mabagal kasi ang pagkilos ng kaso sa kanyang tanggapan.

Ang iba pang nahahatulan dito ay iyong mga patay na at ang iba naman ay mga matagal ng nag-retiro.

Sabi nga, hindi na sila makita pa!

Mukhang pinaringgan ni Mercy si P. Noy dahil ang lahat daw ng ikinikilos nila sa Ombudsman ay bantay este mali batay sa mga evidence kaya hindi dapat mag-alala si Noynoy kahit appointed siya ni GMA at kasangga ni First Gentleman Mike.

Mukhang walang tiwala ang malakanin este mali Malacañang pala sa Office of the Ombudsman kaya nag-create ng ‘Truth Commission’ para maging lead agency ng government of the Philippines my Philippines sa pag-kalkal sa P728 fertilizer fund scam at NBN-ZTE scandal na hindi matapus-tapos ang intrigahan.

Para sa Malacañang ‘biyas’ este mali bias pala si Gutierrez kaya ang sagot ng huli mag-inhibit ito sa paghawak ng nasabing anomalya sa itaas.

Sabi nga, puera siya!

Ika nga, kahit saling cat hindi siya sasawsaw sa kaso.

Naghugas kamay naman ang Malacañang dahil gusto daw nilang bigyan ng pagkakataon ang Ombudsman para patulayan este mali patunayan pala na hindi ito ‘bias’ sa paghawak ng kaso kung sakali.

Naku ha!

Plastic ang dating...Hehehe!

NBI, daang matuwid

DAPAT nasa daang matuwid ngayon ang National Bureau of Investigation dahil toits ang directive ni P. Noy kay NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula.

I-ayos natin ang bureau hindi na puedeng mang-raid ng mga clubs, manghuli ng mga sugalan, at hindi na rin puedeng pumasok sa mga night clubs ang mga ahente nila dahil bawal as in bawal na ito.

Sabi ni Gatdula, may mga tagubilin si P. Noy sa kanya at gayundin si DOJ Secretary de Lima, kung anuman ito silang tatlo lang ang nakakaalam.

Abangan na lang natin!

DIRECTOR ATTY

FIRST GENTLEMAN MIKE

LEFT

MALACA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with