^

PSN Opinyon

Mga minero ng Mt. Diwalwal nanawagan kay P-Noy!

DURIAN SHAKE -

Desperado na ang may higit 40,000 small-scale miners ng Mt. Diwalwal at sila ay nananawagan kay Pangulong Aquino na sila ay agad bigyan ng pansin bago pa man pumutok ang panibagong gulo sa gold-rush site.

Nagbabala ang mga minero na sila ay maglulunsad ng malawakang protesta sa pamamagitan ng pag-okupa ng isang mahalagang tulay sa bayan ng Monkayo na nag-uugnay sa mga areas galing ng Davao City at sa mga lugar patungo namang Butuan City.

At kung gagalaw nga ang mga minero, tiyak na magdudulot ito ng matinding sakit ng ulo hindi lang sa mga otoridad kundi maging sa mga libo-libong commuters na bumibiyahe sa Davao-Agusan Friendship Highway.

Tinututulan ng mga minero ang bidding na gagawin ng Philippine Mining Development Corporation (PMDC) ngayong July 30 para sa kontrobersyal na 729-hectare area na considered to be the most productive part ng Mt. Diwalwal.

At lalong umalsa ang mga minero nang nalaman nila na ang 450 hectares sa loob ng 729-hectare area ay binigay na sa JB Mining Corporation sa pamamagitan ng isang Joint Operating Agreement (JOA) na pinalabas ng Natural Resources Development Corporation (NRDC), ang marketing arm ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Mt. Diwalwal barangay captain Franco Tito, lingid sa kanilang kaalaman ang paglagda ng NRDC at ng JB Mining ng nasabing JOA.

Kaya lalong umiinit ang sitwasyon sa Mt. Diwalwal dahil nga sa mga bagong developments doon ukol sa mga bidding na nagaganap.

Sinabi ni Tito na lumalaki at lumalakas ang puwersa ng mga minero dahil nga sumanib na sa hanay nila ang mga Lumad na pinaglalaban ang Mt. Diwalwal bilang kanilang ancestral domain.

Maging si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari ay nakisawsaw na rin. Aakyat ng Mt. Diwalwal nitong linggong ito si Misuari upang kausapin ang may 3,000 MNLF members na mga minero rin.

Hindi maikaila na ang kaguluhan sa Mt. Diwalwal ay maihalintulad sa isang time bomb na inaabangan kung kailan sasabog. Ngunit hindi naman kailangan sumabog ito. Maaagapan pa naman ang sitwasyon sa pama­ma­gitan ng wastong desisyon ng mga kinauukulan. Ka­ilangan lang talagang pag-aralang mabuti.

At ang bola ngayon ay nasa kamay na ni Pangulong Aquino.

Inaabangan ng lahat kung ano ang magiging policy ni Pangulong Aquino sa pagpatakbo ng Mt. Diwalwal.

BUTUAN CITY

DAVAO CITY

DAVAO-AGUSAN FRIENDSHIP HIGHWAY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIWALWAL

FRANCO TITO

JOINT OPERATING AGREEMENT

MT. DIWALWAL

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with