Kidney cancer: Dahil sa labis na paninigarilyo
Dr. Elicaño, magandang araw po. Isa ako sa mga nagbabasa ng colum mo sa Pilipino Star NGAYON at sa Philippine STAR. Tanong ko lang po ang may kaugnayan sa kidney cancer. Kasi po’y ngayon ko lamang nalaman na meron din pala ng sakit na ito. At dahil ikaw ay sikat na oncologist o cancer specialist, puwede mo bang maipaliwanag ang tungkol sa sakit na ito. I am a retired soldier at libangan nang mag-research ng mga kung anu-anong bagay. Mara-ming salamat and regards. — COL. DELFIN ESGUERRA, Jordan Plaines Subd. Novaliches, Quezon City
ANG kidney cancer ay karaniwang tumatama sa mga kalalakihan kaysa kababaihan. Ang labis na paninigarilyo at labis na exposure sa cadmium ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon ng kidney cancer. Mataas ang incidence ng kidney cancer sa Europe partikular sa Denmark at ang pinakamababang incidence ay sa Japan. Sa United Kingdom, tinatayang may 3,600 ang itinatalang kaso ng kidney cancer at dalawang porsiyento ng mga kasong ito ay malignant o malubha na.
Ang tumor ay maaaring tumubo sa alinmang bahagi ng renal tissue – sinasakop ang isang quarter ng buong kidney, one third ng upper pole at one third naman ng lower pole. Ang tumor ay karaniwang solid at nag-eexpand sa renal tissue tungo sa gitnang bahagi ng necrosis o cystic degeneration at sa iba pang haemorrhagic areas.
Karaniwang ang tumor kumakalat paitaas o paakyat mula sa lining cells ng proximal convoluted tubule.
Microscopically they are adenocarcinomas composed of characteristic clear cells although the degreee of deffe-rentation can vary from a well-differentiated tumor to a highly anaplastic appearance.
Pinipinsala ng tumor ang paligid ng kidney at maaaring tumubo sa renal vein at hanggang sa inferior vena cava (IVC).
Apektado ng pagkalat ng lymph node ang renal hilar nodes hanggang sa para-aortic chain.
Blood borne metastases characteristically go to the lung and bone although many other sites including skin, central nervous system and liver are also recognized.
- Latest
- Trending