^

PSN Opinyon

A lady airport chief

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGPAALAM na yesterday si Manila International Airport Authority general manager Atty. Melvin A. Matibag sa madlang employees sa NAIA isinalin niya ang kanyang trono kay Hermina D. Castillo, Assistant General Manager for Finance and Administration.

Sabi nga, goodbye!

Mabilis na tumalima si Melvin sa kautusan ni P. Noy ng sabihin nito sa lahat ng government officials of the Republic of the Philippines na bumitaw na sa puesto ang mga non-CESO dahil ang una ay isang abogado pero wala siyang CESO.

Ika nga, hindi eligible!

Si Hermie o Miniang sa kanyang close friends ay CESO eligible at isa sa pinakamataas na official sa MIAA.

Sabi nga, Career Service Officer!

Sayang si Melvin, isang mabait na nilalang ni Lord, magaling at workaholic!

Ika nga, madaling araw nasa NAIA na.

Kung hindi man lubusan nabuwag ni Melvin ang sindikato sa paliparan sa loob ng halos tatlong buwan nito bilang general manager ng NAIA ay nabawasan naman ang mga gago dito.

Million of pesos worth of illegal drugs ang sunod-sunod nabuko at nakumpiska ni Melvin sa mga international drugs syndicate dahil ang airport ang gamit nila sa kanilang katarantaduhan.

Nabuwag din ni Melvin ang human trafficking syndicate na nag-ooperate sa NAIA na ang karamihang binibiktima ay ang mga kawawang nilalang na gustong maghotraba sa aboard este mali abroad pala.

Sabit din kay Melvin ang mga operator ng colorum vehicles sa NAIA kaya naman nagsitigil ang mga ito sa kanilang operations.

Naibigay din ni Melvin ang mga kakulangan sahod ng mga employees todits na matagal ng inaangal ng mga ito.

Sabi nga, sumaya sila ng ibigay ang pitsa.

Sayang si Melvin marami pa naman sana itong magagawa at mababago sa paliparan kaya lamang ang naging problema ay dehins nga siya CESO eligible.

Si Hermie, ay pansamantala lamang uupo sa NAIA baka hindi na ito abutin ng July 31, 2010 kasi ang mga umuupong bossing sa airport ay batang sarado ng mga presidente ng Philippines my Philippines.

Hindi lang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sa airport kukuha si P. Noy ng uupo bilang general manager todits o sa taga - labas.

Rose from the rank si Hermie dati siyang working sa COA bilang Auditor 1 pero ng malipat ito sa MIAA naging supervising corporate internal auditor siya mula noon kung anu-anong position sa paliparan ang hinawakan nito hanggang sa dumating ang suerte sa kanya at natalaga bilang Assistant General Manager for Finance and Adminstration.

Sabi nga, 25 years of hardworking!

Happy naman si Hermie ng ipasa sa kanya ni Melvin ang puesto sabi nga nito sa mga kuwago ng ORA MISMO, ‘I am humbled by this task given to me. I now it is not ease, but I will do my best to perform it well, guided by the principles of good governance.’

Si Miniang ay tubong Jaro, Iloilo. Nagtapos ito sa elementary dyan sa Iloilo Central Elementary School at sa high school naman ay sa Iloilo City High School.

Nagkamit este mali nakamit pala niya ang kanyang Accounting degree bilang Timawa government scholar sa loob ng 4 years sa University of San Agustin

She earned her Accounting degree as a Timawa government scholar for four years from the University of San Agustin in Iloilo and graduated Cum Laude. She passed the Accountancy Board in 1979.

Owing to her advocacy for equality for all, she was made chair of the MIAA Gender and Development Committee. Outside the confines of her office, citizen “Hermie”, as she is fondly called by colleagues, is actively involved in church projects in their parish and is so much into charity works.

She founded the Karunungan, Kagalingan Kontra Kahirapan, Inc. (4K), a non-governmental organization doing catechism and other charitable deeds.

“This is my way of giving back to God the blessings that He has bestowed to me and my family,” Castillo said in closing.

GM Castillo will administer MIAA until the 31st of July, 2010.

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim at ng Manila Police District(MPD) ang pagpapasara ng L.A. Café bar and restaurant sa Malate, Maynila matapos na mapatunayang umaabot sa 200 kababaihan ang nagtatrabaho bilang mga sex workers.

Ayon kay Lim, ang pagpapadlock ng nasabing bar ay bunga na rin ng mga mga paglabag nito sa batas kabilang ang pagkakaroon ng prostitution den.

Kasama ni Lim sa pagsasara ng bar sina MPD chief, Director Gen. Rodolfo Magtibay, Manila social welfare department chief Jay dela Fuente, at Bureau of Permits chief Nelson Alivio.

Ipinaliwanag Lim na personal niyang ginawa ang pagpapadlock upang matiyak na hindi na muli pang magbubukas ang naturang es­tablisimyento kahit na gumamit pa ito ng ibang business name o business entity.      

Sinabihan din ni Lim si Magtibay na atasan ang   lahat ng mga station commanders na siguraduhin na walang kalaswaan o anumang uri ng bentahan ng laman ang nagaganap sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Giit ni Lim, mas pinaiigting nila ang kanilang kampanya laban sa prostitution sa lungsod kung kaya’t dapat lamang na matapos ang iligal na negosyo ng may -ari ng bar.

Nakilala ang mga may-ari ng LA Café na sina Anselmo Candado na pinaniniwalaang front habang ang mga tunay na may-ari ay sina John Thorpe at Christer Bigander, kapwa Australians.

ACCOUNTANCY BOARD

ANSELMO CANDADO

ASSISTANT GENERAL MANAGER

MELVIN

SABI

SI HERMIE

UNIVERSITY OF SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with