^

PSN Opinyon

Pentekostes

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang kaarawan ng pagsilang ng Sangka-Kristiyanuhan. Dumalangin si Hesus sa Ama upang bigyan tayo ng Patnubay na magiging kasama natin magpakailanman. Siya ang magtuturo sa atin ng lahat ng sinabi ni Hesus. Kaya’t magdiwang tayo at magalak sa kaarawan ng ating simbahan.

Ang pagbaba sa atin ng Patnubay ay ika-50 araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito ang kaganapan ng gawain ni Hesus. Ang pagdating ng Espiritu ang pagbubukas pintuan na pinagtataguan ng mga disipulo sa kanilang takot sa mga Hudyo. Kaya’t ang pagbaba ng Espiritu Santo ay natutulad sa RUAH, isang malakas na hangin na nagbukas ng pintuan at puso ng mga tagasunod ni Hesus.

Sa araw na yaon ay biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, na animo’y hagunot ng malakas na hangin at may nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag mula sa langit. Ipinagkaloob sa kanila ang Espiritu at sinalita ang lahat ng wika. Sila’y nagkaka-unawaan. The gift of tongue. Kaya’t hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang sinasabing gift of tongue ng mga charismatic group na sa kanilang sama-samang panalangin ay kung anu-ano salita ang kanilang sinasabi na hindi ko maunawaan o maintindihan. Noong ako’y na-assign sa El Centro, California ay ipinag-misa ko ang charismatic group sa aming parokya na halos lahat ay mga Mexicano. Linggo rin noon ng Pentekostes at ang Misa ko ay sa wikang Kastila rin. Bahagi ng Misa ang sama-sama nagpupuri sa Espiritu Santo. Lumabas na sa kanilang mga dila ang gift of tongue nila. Halos mapatawa ako sa mga narinig ko ang halo-halo nilang salita: ole, ole, ole, yawi, yawi, yawi (ok yun Yahweh). Narinig ko din, malake, malake, malake, malake. Tinakpan ko ang aking mukha nang ako’y mapatawa. Sori po!

    Para sa akin ang gift of tongue ay yaong sinasabi sa mga Gawa na sa kanilang pagkamangha silang lahat ay nagkatipon-tipon at nagka-unawaan sapagka’t ang Jerusalem noon ay open city at marami ang mga naninirahan doon. Ngayon tayong lahat ay dapat mamuhay ayon sa Espiritu ng

Diyos sapagka’t ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaring kalug-   dan ng Diyos. Mamintakasi tayo sa Espiritu Santo upang liwanagan tayo tuwina lalung-lalo na sa desisyon ng ating buhay. Ipagpatuloy natin ang panalangin sa Espiritu Santo upang liwanagan ang mga bagong pinuno ng ating pamahalaang Pilipino. Halina Espiritu Santo sa sinag na buhat sa ‘yo, kami ay liwanagan mo!

Binabati ko si Alvin Lleva, aking pamangkin sa kanyang kaarawan ngayon!

Gawa 2:1-11; Salmo 103; Roma 8:8-17 at Jn 14:15-16, 23b-26

ALVIN LLEVA

DIYOS

EL CENTRO

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

GAWA

HESUS

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with