^

PSN Opinyon

Ang problema ng bagong gobyerno

- Al G. Pedroche -

MABIGAT na problema ang haharapin ng bagong admi-nistrasyon. Hindi pang-ekonomiya. Hindi rin pampulitika kundi ang pagpasok ng tag-ulan. Napakalaking problema niyan! Nangangailangan ito ng pagkakaisa ng lahat.

Ibang klase na ngayon ang panahon. Kapag tag-init, marami ang namamatay sa heat stroke dahil sa sobrang init. Kapag tag-ulan naman, marami ang namamatay at nawawalan ng tahanan dahil sa malalakas na bagyo at mapaminsalang baha. Iyan ang naranasan natin nung nakalipas na taon lalu na nang manalasa si “Ondoy.”

Baka kasi pasukan na naman ng labis na pamumulitika ang kalagayan ng bansa. Kapag nangyari iyan, lahat ng mga diskarte ng pamahalaan sa paglutas ng mga suliranin ay madidiskarel. Matapos ang 2010 national elections, dapat nang isantabi ang mga samaan ng loob na nilikha nito. Kailangan nang ibasura ang tinatawag na partisan politics. Yung bang kahit nasa puwesto na ay nagkakampi-kampihan. Laging bida ang nasa administrasyon at kulelat sa ayuda ang mga hindi kaalyado.

Kung sino ang mga nahalal mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakamababa ay suportahan. Kung galing man sa iba-ibang partido ang mga nahalal na opisyal, isantabi na ang diskriminasyon at huwag pagkaitan ng mayorya ang minorya. Kasi, hindi naman pagsisilbi sa partido ang konsepto ng public service kundi pagsisilbi sa taumbayan.

Tutal, oposisyon man o ruling party, hindi ba’t ang tinu­tumbok ay ang tamang paglilingkod sa bayan?

Masaklap kasi nating karanasan iyan noong mga nagdaang panahon. Sa Kongreso, dapat kaalyado ka ng administrasyon bago ka makakuha ng pondong gagamitin mo sa pagpapaunlad ng iyong distrito. Wakasan na ang madilim na kabanatang ito ng ating buhay-politikal.

IBANG

IYAN

KAILANGAN

KAPAG

KASI

LAGING

MASAKLAP

SA KONGRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with