^

PSN Opinyon

Thanks Dick Gordon sa poll automation

- Al G. Pedroche -

CONGRATULATIONS kay presidential bet Richard Gordon. Hindi man nagwagi sa halalan, dapat siyang sabitan ng medalya sa pag-akda ng batas sa poll automation. Mara-ming nahirapan noong Lunes sa masalimuot na proseso sa pagboto. Pero sulit ang hirap. Mabilis ang pagdating ng resulta at mukhang mahirap dayain. Sana lang walang makaisip ng high-tech fraud na sa pamamagitan ng mga memory cards ay puwedeng baguhin ang resulta ng halalan. Kung mangyari iyan, tiyak kakutsaba na ang sino mang programmer ng voting machine.

 Sa haba ng pila bago tuluyang makapasok sa presinto para bumoto nung Lunes, yung iba’y nahilo at hinimatay. Yung iba, tulad ni presidential frontrunner Benigno Aquino III ay inabot ng halos apat na oras sa presinto hindi lang dahil sa mahabang pila kundi dahil sa pagpalya ng PCOS machine.

Ang magandang nangyari ay naging mabilis ang pagbilang sa mga boto. Sa isang iglap lang ay proklamado na ang mga kandidato sa local level. Noong araw, madaling bumoto pero napakatagal nang bilangan na inaabot ng buwan. Ngayon, matagal at masalimuot ang pagboto pero mabilis ang bilangan.

As of this writing, nag-concede na at bumati ng congrats kay Noynoy ang dalawang presidential bets na sina Manny Villar, Dick Gordon, Gilbert Teodoro at JC delos Reyes. Iyan ang marapat gawin ng mga kandidatong may spirit of statesmanship.

Si Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas man ay personal na tumawag sa telepono kay Noynoy at ipaabot ang kanyang pagbati at suporta. Nangako si Bro. Eddie na ipananalangin ang tagumpay ng administrasyon ni Noynoy.

Iyan ang nararapat gawin ng sino mang may malasakit sa bansa. Sa halip na maghain pa ng electoral protest tulad ng balak ni ex-president Estrada, tumulong sa mauupong leader para sa ikauunlad ng bansa.

BANGON PILIPINAS

BENIGNO AQUINO

DICK GORDON

EDDIE VILLANUEVA

GILBERT TEODORO

IYAN

NOYNOY

RICHARD GORDON

SI BRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with