^

PSN Opinyon

Protesta katakut-takot

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PALPAK as in palpak ang PCOS machine na ipi­nagmamalaki ng COMELEC kaya sangka­tutak ang naggagalaiti sa galit na mga botante.

Yesterday, pinairal din ng COMELEC ang mano-mano voting sa loob ng voting precint dahil nga nagsi-palpakan ang PCOS machine.

Magulo as in nakakalito ang nangyaring botohan yesterday sa ilang voting precint kaya naman parang mga hilong talilong ang ibang voters.

Sabi nga, highblood ang iba.

May problema sa main memory card kaya pumugak ang PCOS machine at marami ang nabuwisit dahil hindi makita ng mga botante ang kanilang mga presinto and names kaya asar na asar ang iba sa mga ito puera pa ang mahabang pila.

Sabi nga, maraming eleksyon ang nakaraan pero wala pa rin pagbabago up to now.

Sa mga mananalong candidates – CONGRATS mula sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Samantala sa mga matatalong candidates - better luck next time!

Sabi nga, try and try until you succeed. Hehehe!

* * * * *

Si Luding ng Baguio, La Union at Aging ng Olongapo

NGAYON bago na ang panggulo este mali pangulo ng Philippines my Philippines tingnan natin ang lakas ni Luding ng Baguio at La Union sa jueteng operation nito dahil hindi ito matinag sa tindi ng padrino.

Kaya babantayan ito ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi tantanan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Luding kasama ang isang Singson dyan sa Ilocos Norte ang mga hari ng jueteng operation sa mga nasabing lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buong province ng La Union ang operasyon ni Luding at siempre Baguio kaya hindi bababa sa P2 to P3 million ang kubransa nito everyday. Hindi kasama ang kubransa todits ni Singson sa Ilocos Norte.

Isang Boyong ang spokesman ni Aging pagdating sa mga aregluhan blues dahil ito ang humaharap kung magkano ang tara ng mga kamoteng kausap nila para payagan silang magkapag-operate ng illegal activities.

Naramdaman ng grupo ng KFR ang laki ng kinikita ni Aging sa STL bookies nito sa buong Olongapo kaya naman kinalawit ito at pina-ransom sa kanyang pamilya.

Sabi nga, million of pesos ang hinatag ni Aging kapalit ng kanyang buhay!

Ginagamit pa ng tatlong itlog ang NBI na kasama sa kanilang binibigyan para huwag guluhin sa kanilang illegal gambling operation.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

NBI Director Nestor Mantaring, Your Honor, pakibusisi lang ang balita.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang inilagay ni Luding, Aging at Singson sa mga lagapot na pulitikong nagsitakbo sa election para kung manalo ang kanilang nilagyan ay hindi sila maawat at malaya pa silang makapag-pasugal.

Sabi nga, mga bugok na incumbent o bagitong kamote (basta may panalo) lagay ang tatlong itlog.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bagyo ang mga padrino ng tatlong itlog kaya tignan natin ngayon dahil bago na ang pangulo sa Philippines my Philippines kung patuloy pa rin silang mananagana sa kani-kanilang balwarte.

Abangan.

AYON

DIRECTOR NESTOR MANTARING

ILOCOS NORTE

ISANG BOYONG

KAYA

LA UNION

OLONGAPO

SABI

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with