^

PSN Opinyon

Halalan na bukas, O Espiritung banal!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

ANG Espiritu Santo ang kabuuan ng ating pagdiriwang ngayong Linggo. Sinabi ni Hesus sa mga apostol na ang Espiritu Santo ang magtuturo sa ating lahat nang Kanyang mga aral. Sa mga Gawa naman ay ang udyok ng Espiritu Santo ang naging pasya na huwag tayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa ating kailangan. At tulad sa Pahayag ay nilukuban ng Espiritu ang Banal na Lunsod na ating magiging tahanan.

Maging ang kaugalian sa Lumang Tipan na isang lalaki ay dapat magpatuli, ay ipinahayag naman ng mga apostol na meron silang tunay na kailangan. Ito ang huwag pagkain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan. Sa ngayon ang masasabi nating diyus-diyusan ay ang pulitiko lalung-lalo na dito sa ating bansa.

Bukas ay halalan na dito sa ating bansa. Ngayon ang ika-siyam na araw ng ating pamimintakasi at pagno-nobena sa Espiritu Santo. Taos-puso nating hingin ang kaliwanagan sa ating puso at isipan. Patuloy tayong ma-nikluhod sa ating Panginoon upang lumaganap bukas ang kapayapaan. Maiwasan sana natin ang mga kaguluhan at lalung-lalo ang away at patayan.

Bukas, pagsikat ng araw ay laganap ang biyaya ng Diyos. Awitin natin ang Salmo: Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Maging ang kaningningan ng Diyos ang magbigay-liwanag doon at ang Kordero ang siyang ilawan upang ipagtanggol tayong lahat laban sa kasamaan. Ang Patnubay nawa ang suguin ng Ama sa pangalan ni Hesus at Siya nawa ang magturo sa atin ng lahat ng bagay na pawang kapayapaan. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo”.

Maligayang araw sa ating mga Ina (Happy Mothers’ Day)!

Gawa 15:192,22-29; Salmo 67; Pahayag 21:10-14, 22-23 at Jn 14:23-29

ANG AKING

ANG PATNUBAY

ATING

BUKAS

DIYOS

ESPIRITU SANTO

GAWA

HAPPY MOTHERS

HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with