^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga basurang nakabara linisin na habang maaga

-

NARARAPAT samantalahin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tag-araw. Ito ang tamang panahon para sa paglilinis ng mga baradong drainage, imburnal at iba pang dinadaanan ng tubig. Kapag hindi pa kumilos sa buwang ito ang MMDA, malamang na abutin sila ng tag-ulan at hindi na nila magagawang halukayin ang mga basurang nakabara sa mga dinadaanan ng tubig. Ang mga basurang ito ang numero unong dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila at iba pang karatig na lugar. Ang mga basurang ito na kinabibilangan ng plastic grocery bags, plastic wrappers, botelyang plastics, kaha ng sigarilyo, sache ng shampoo at coffee, balat ng candy at iba pang mga bagay na plastic ay itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan.

Meron pang nadagdag sa mga plastic na basura --- iyan ay ang mga tarpaulin, streamers, plastic sti­cker ng mga kandidato. Habang papalapit ang election, parami nang parami ang mga basura ng kandidato. Kapag ang mga tarpaulin at streamers ang bumara sa mga daanan ng tubig, siguradong mararanasan na naman ang pagbaha na walang ipinagkaiba sa hatid ni “Ondoy” noong Setyembre 26, 2009. Hindi agad karakang bumaba ang baha noon sapagkat barado ang waterways. Maraming pininsala ng baha at may mga namatay lalo ang mga naninirahan sa gilid ng estero at mga sapa.

Ang paghalukay sa mga estero at drainage ang dapat pagtuunan ngayon ng MMDA flood control team. Samatalahin habang mainit ang panahon para ganap na makuha ang mga basura sa ilalim. Huwag namang itutok lamang ng MMDA ang atensiyon sa pagbakbak ng mga posters ng kandidato. Magtalaga nang para sa mga “bakbak posters” at dagdagan ang mga maghahalukay sa mga daanan ng tubig. Mas mahalaga ang pag-aalis ng mga basura sa drainage sapagkat ito ang numero unong dahilan kaya nagbabaha. Isang halimbawa na lamang ay sa España St. sa Maynila na parating binabaha. Barado ang drainage sa nasabing kalye sapagkat puno ng basura. Isa ito sa dapat linisin ng MMDA.

Sa pagkakataong ito, nararapat namang gawin ng mamamayan ang kanilang part para maiwasan ang pagbaha. Magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Ihiwalay ang mga plastic at bakal, sa mga nabubulok na basura. Turuan ang mga anak na huwag tapon nang tapon ng balat ng kendi, biskuwit at iba pang food wrappers sa kalsada. Kung magagawa ang mga ito, malaki ang posibilidad na hindi na magbaha sa Metro Manila.

BARADO

BASURA

ESPA

HABANG

HUWAG

KAPAG

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with