^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tuparin ng CHED ang pangako

-

NAGBITIW ng pangako ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga opisyal ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na hihilingin nila sa pamahalaan na dagdagan ang pondo nito. Dahil sa kakulangan ng pondo, maraming serbisyo para sa estudyante sa naturang unibersidad ang hindi naisasakatuparan. Kulang at mga luma na ang mga computer na ginagamit, ang mga comfort room ay nangangalingasaw, maraming silid-aralan ang walang ilaw, sira-sira ang mga upuan at marami pang iba. Binalak ng pamunuan ng PUP na itaas ang matrikula, (magiging P200 per unit na dating P12) pero hindi pa sila natatapos sa pagpaplano ay eto na ang mga galit na estudyante at nagrali.

Nagkaroon ng karahasan. Pinaghagisan ang mga silya, mesa at saka sinunog. Inaresto ang mga namuno sa rali at kinasuhan sila ng robbery with threat and intimidation. Ikinulong at pinagpipiyansa ng P100,000 bawat isa. Subalit hindi na itinuloy ng PUP ang kaso sa mga lider ng estudyante. Pinatawad na sila. Pinalabas na sila ng kulungan. Ayon kay PUP president Dante Guevarra, iniuurong na nila ang kaso dahil sa humanitarian reason. Hindi aniya ang pagpapatuloy ng kaso ang makapagreresolba sa problema bagkus baka makapagpalala lamang ito. Ayon kay Guevarra, naniniwala pa rin sila sa principle na tinatawag na loco parentis kung saan maaari nilang disiplinahin ang mga mag-aaral sa­pagkat sila ang mga tumatayong mga magulang sa paaralan. Kasabay ng pagpapatawad sa mga lider ng estudyante, sinabi rin ng PUP president na hindi na itutuloy ang pagtataas sa tuition fees. Wala nang mangyayaring increase.

Magkakaroon na ng katahimikan sa PUP sa ginawang aksiyon ng mga namumuno subalit hindi pa rin naman nakasisiguro sapagkat marami pang uusbong na problema. Isa na riyan ay ang kulang-kulang na serbisyo sa mga mag-aaral. Ang solusyon para lubusang maresolba ang problema sa PUP ay ang pagdadagdag sa pondo. Ang ipinangako ng CHED ukol sa pagdadagdag ng pondo ay nararapat tuparin. Hindi nila dapat iwanan sa ere ang problema sa PUP. Gawin naman ng mga estyudyante ng PUP, particular ang student leaders na maging halimbawa sila at gawin ang kanilang share para maiangat ang kanilang eskuwelahan at makapantay ng ibang state universities.

AYON

BINALAK

DAHIL

DANTE GUEVARRA

HIGHER EDUCATION

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PUP

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with