Magpapayat Tips (Part 2)
KARUGTONG ito ng nauna kong artikulo tungkol sa pagpapapayat. Sundin ninyo ang mga payong ito:
l Kumain nang madalas pero pakonti-konti. Huwag kakalimutan ang agahan. Ang sekreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, puwedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwedeng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom bago kumain.
l Masama ang “Crash Diet” o ‘yung gustong biglang ginugutom ang sarili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos ay babawi na ang iyong katawan. Babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay nagpapaikli ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo.
l Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay, kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi pa ito nakatataba.
l Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. Ito lang talaga ang bawal.
l Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Turuan ang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya.
l Sa fastfoods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Vegetarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories.
l Sex bilang ehersisyo. Kadalasan, ang gusto ng lalaki ay 5 minuto lang sa sex. Mga 30 calories lang ang matatanggal sa iyo. Kapag magtagal ka ng 30 minutos sa sex, puwede kang magbawas ng 250 calories. Masaya ka na, papayat ka pa!
l Uminom ng multivitamin kapag nagdi-diyeta. Kalahating tableta lang ng multivitamin ay puwede na. Kapag walang pera, kumain ka ng 2 saging bawat araw. Maraming vitamins na iyan.
l Bumili ng timbangan. Mura lang ang timbangan, mga P300 lang. Alamin ang timbang bawat 2 araw. Kapag tumataas ang iyong timbang, piliting mag-diyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan mo ng willpower para pumayat. Good luck sa inyo!
- Latest
- Trending