^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero

-

NAGSISIMULA na ang exodus ng mga tao patungo sa kani-kanilang probinsiya. Kahapon ay marami nang pasahero ang nagsisiksikan sa bus terminal sa Cubao para makasakay. Nag-aagawan na sila para lamang makasakay. Ngayong araw na ito, tiyak na lalo pang kakapal ang mga tao sa maraming bus terminal patungong North at South Luzon.

Kung ang mga pasahero ng bus ay nagsisiksikan para lamang makasakay, ganito rin ang senaryo sa mga pier. Sa Batangas port, nakapila na ang mga tao para makasakay sa barko na patungong Mindoro, Rom­blon, at iba pang probinsiya sa South.

Kung siksikan ang mga pasahero sa bus terminal at pier, ganito rin ang senaryo sa domestic airport. Marami ring pasahero at tila walang patid ang yaot ng mga tao para makauwi sa kani-kanilang probin­siya. Ngayong araw na ito hanggang bukas ay ina­asahang dadagsa pa ang mga pasahero.

Sa ganitong panahon dapat namang maging alerto ang awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero sa bus, barko at eroplano. Nagagawa ba ng mga taga-Land Transportation Office, MARINA, Philippine Coast Guard at Air Transport ang kanilang mga tungkulin para matiyak na walang mangyayaring aberya sa mga pasahero. Naiinspeksiyon ba ng LTO at iba pang ahensiya ang mga paalis na bus? Na­siguro na bang maayos at hindi papalya ang preno ng bus habang bumibiyahe.

Nagbigay na ba ng babala ang Marina sa mga may-ari ng barko na huwag magsasakay nang sobra-sobrang pasahero at kargamento at baka magkaroon ng problema habang naglalayag. Sapat pa ang kagamitang pangkaligtasan ng barko. Kuwalipikado ba ang kapitan at mga crew? Nagagampanan ba ng Philippine Coast Guard ang kanilang tungkulin na inspeksiyunin ang barko bago umalis sa pier?

Sunud-sunod din naman ang pagbagsak ng mga eroplano at karaniwang dahilan umano ay pilot error­. Sinisisi rin ang kalumaan ng mga eroplano.

Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero. Mag­karoon nang pag-iinspeksiyon at pagsisiyasat sa mga sasakyan bago umalis sa terminal, pier at airport. Huwag hayaang maulit ang mga malalagim na sakuna.

AIR TRANSPORT

BUS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NGAYONG

PARA

PASAHERO

PHILIPPINE COAST GUARD

SA BATANGAS

SOUTH LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with