^

PSN Opinyon

Huwag ka munang magretiro, Pacman!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MALABO pa kung magreretiro na si Pacman. Malakas pa siya at wala pa ring maaaring tumalo sa kanya. Hindi pa rin tiyak kung matutuloy ang pakikipagsagupa niya sa madaldal na si Mayweather. Si Mayweather ang dating “pound for pound king” bago na hawakan ni Pacman.

Maraming hinihinging kondisyones ang madaldal na si Mayweather na ayaw ni Pacman. Isa rito ang blood-testing kapag malapit na ang araw ng laban. Ayaw ni Pacman sapagkat magpapahina ito sa kanyang kata­wan. Ang ayaw din ni Pacman ay ang hatian sa kikitain. Ipinagpipilitan ni Mayweather na dapat mas malaki ang kanyang kikitain kay Pacman.

May mga iba pang hindi pagkakasundo ang dalawang boksingero kaya hindi matuluy-tuloy ang matagal nang pinananabikang labanan. Sinasabing kapag natuloy ito, ito na ang pinakamalaki at pinakamaraming nanood ng boksing sa mundo na daig pa sa mga pinakamalaking laban ni Muhammad Ali. Si Pacman na ngayon ang may hawak ng tinaguriang the greatest fighter of all times.

Sabi ng mga eksperto at boxing analyst, hindi pa nararapat mag-retiro si Pacman sapagkat napakalakas pa. Marami pa raw tatalunin. Ito rin ang opinion ko, hindi pa siya dapat magretiro sapagkat sa palagay ko, nagsi­simula pa lamang siya. Marami pa siyang karangalan na ibibigay sa bansa. At sa kalagayan ngayon ng Pili­pinas na pawang ang mga kurakot sa gobyerno at teroristang Sayyaf ang nababalita, mas magandang may mapag-usapang Pinoy na mahusay sa boksing. Sina­sagip ni Pacman ang Pilipinas sa kahihiyan.

AYAW

IPINAGPIPILITAN

ISA

MARAMI

MAYWEATHER

MUHAMMAD ALI

PACMAN

SI MAYWEATHER

SI PACMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with