^

PSN Opinyon

Para sa Department of Justice, pansinin n'yo 'to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

APAT na taon na ang nakalilipas nang malantad sa publiko at mabuksan ang maitim na lihim ng Bgy. A Rivera sa Hermosa Bataan.

Ito ‘yung panggagahasa sa isang 16 anyos na dalagita ng grupo ng kalalakihan o gang rape.

Ang mga suspek, magkakamag-anak at kinikilalang maimpluwensiya sa kanilang lugar dahil sa posisyong pulitika na hawak ng kanilang mga magulang sa Hermosa, Bataan.

Matatandaang kaya nanghimasok ang BITAG sa sumbong na ito ng dalagitang si Baby at kanyang ina, matapos palabasin ng kampo ng mga suspek na pariwara ang biktima kung kaya ito nagahasa.

Naisampa ang kaso sa Provincial Trial Court ng Bataan subalit dinesisyunan ni Provincial Prosecutor Joey Saldana na i-dismiss ang kaso laban sa mga suspek.

Kung kaya’t sa tulong ng Violence Against Crime and Corruption, sa tulong ni Atty. Pete Principe hiniling na ilipat ang lugar ng paglilitis ng kaso sa Maynila imbes sa Bataan.

Ito’y upang maging patas ang proseso at paglilitis ng kaso dahil sa takot at pangamba ng mga biktima sa impluwensiya ng mga suspek sa Hermosa, Bataan.

Ang hiling na ito ay ginawa ng mga biktima sa Department of Justice kasama ang VACC at BITAG noong Oktubre ng 2006.

Subalit apat na taon na ang nakalilipas, dalawang Secretary of Justice na rin ang umupo sa DOJ, wala pa ring desisyon ang DOJ sa change of venue na hiling ng biktima.

Kahapon, umiiyak pa ring bumalik sa BITAG si Baby na ngayo’y beinte anyos na. Patuloy pa rin silang umaasa na madedesisyunan na ng DOJ ang kanilang simpleng kahili-ngan lamang.

Nagmamakaawang nanawagan ang biktimang si Baby sa kasalukuyang namumuno sa DOJ na mabigyan ng pansin nga-yon ang kanilang kahilingan na pinangakuan pa ni da-ting Sec. Jovito Sunio.

Sa loob ng apat na taong paghihintay, apat na taon na ring dinadala ng biktima ang bangungot ng krimeng ginawa sa kaniya. Siya na nga raw ang biktima, siya pa ngayon ang nagtatago at hindi makapunta sa kaniyang lugar na sinilangan.

A RIVERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HERMOSA

HERMOSA BATAAN

JOVITO SUNIO

PETE PRINCIPE

PROVINCIAL PROSECUTOR JOEY SALDANA

PROVINCIAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with