^

PSN Opinyon

Mga magmamasid mula sa Amerika

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Hinihiling daw ng mga kababayan natin sa Amerika na magpadala ng mga election observers/monitors ang Amerika dito sa darating na halalan sa Mayo. Katulad na rin ng pagpapadala kina Sen. Richard Lugar at iba pang mambabatas dito noong 1986 Snap Elections. Kanilang namasid ang mga pandaraya at panggugulo na naganap noong botohan na iyon. Malaking epekto ito sa gobyerno ng Amerika, at malamang naka-apekto sa desisiyon nitong ilipad na lang ang pamilya ni Marcos sa Hawaii noong kasagsagan ng EDSA People Power. 

Nangangamba ang ating mga kababayan sa mga nakikita nilang pangyayari ngayon, na maaaring makahadlang sa pagkakaroon ng malinis na eleksyon. Una na rito ay ang krisis sa enerhiya, kung kelan naman magiging automated na ang halalan. Oo nga naman. Gumagamit ng kuryente ang mga makina na babasa sa mga balota. Ano ang silbi ng mga ito kung wala namang kuryente? Isa na rin ay ang pagkaantala sa pag-iimprenta ng mga balota. May mga ulat na hindi raw matatapos ang pag-imprenta ng halos limampung milyong balota sa Abril. Apat na digital printer lang kasi ang gumagana para sa takdang trabaho. Parating pa lang ang inorder na panlimang digital printer. Sa katapusan pa lang ng Marso dadating. Bakit kasi hindi pa inorder ang limang printer antimano? May “nagtipid” na ba kaagad?

At ang huling dahilan ay ang paglalagay ng mga he-neral o dating heneral sa iba’t-ibang posisyon sa administrasyong Arroyo. Halos lahat na yata ng sangay at ahensiya ng gobyerno ay pinamumunuan ng isang dating heneral, na halos lahat galing sa isang batch ng PMA, ang Batch ’78. Kakaiba nga talaga ang administrasyong Arroyo mag-alaga ng mga aktibo at retiradong sundalo! Mabuti na rin kung magpapadala ang Amerika ng mga magmamasid ng ating halalan. Pati na ang mga ibang bansa na gusto ring magpadala ng magmamasid. Para mabantayan nang husto kung talagang magkakaroon ng malinis at mabilis na halalan. Kung tayu-tayo lang ang magbabantay, baka hindi naman makinig ang administrasyong ito sa mga reklamo ng dayaan o anomalya sa pagboboto. Mabuti na ang may “third party observers”, ika nga. Kapansin-pansin na mga kababayan pa natin mula sa Amerika ang humiling nito, at hindi ang taga-Pilipinas mismo!

ABRIL

AMERIKA

ANO

APAT

BAKIT

GUMAGAMIT

PEOPLE POWER

RICHARD LUGAR

SNAP ELECTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with