^

PSN Opinyon

Ang bangis ng Abu Sayyaf!

DURIAN SHAKE -

WALANG awang pinatay kahapon ng madaling araw ng mga bandidong Abu Sayyaf ang mga civilian sa Barangay Tubigan, Maluso, Basilan sa isang karumal-dumal na atake na kung saan may ilan ding malubhang nasugatan na tinakbo sa Zamboanga City for further treatment.

Sa simula ang akala ng lahat ay iyon ay isang pag-atake sa military detachment sa nasabing bayan. Hindi pala. Dahil ang inatake nila ay ang walang kalaban-labang civilian populace ng Barangay Tubigan na karamihan ay mga ordinaryong citrus farmers.

May tinatayang higit kumulang 70 na fully-armed Abu Sayyaf members ang umatake na kung saan sinunog din nila ang may sampung kabahayan sa Barangay Tubigan sabay sa walang pakundangang pamamaril maging bata man o matanda ang matamaan.

May isang 32-year old na babae nga raw at ang kanyang isang taong gulang na anak ay nasunog at namatay sa loob ng kanilang bahay.

Ang bangis nga ng Abu Sayyaf dahil hindi military targets ang kanilang inatake kundi ang mga inosenteng civilian. Ibang klaseng bangis.

Nasaan na ang pangako ng marami nang nagdaang military commanders sa Armed Forces Western Mindanao Command at maging noong dating Southern Command na lilipulin nila ang Abu Sayyaf?

Bakit nga ba hanggang ngayon ang Abu Sayyaf ay buhay na buhay pa kahit na ilang beses nang binalandra ng otoridad na nasawi ang may ilan na rin nilang leaders?

Ang hirap nga lang sa mga bandidong ito ay ang kanilang multiple identities.

Ngayon ay puwedeng maging Abu Sayyaf, tapos sa susunod naman na minuto ay maging Moro Islamic Liberation Front (MILF) o di kaya’y maging Moro National Liberation Front (MNLF) members naman.

Ngunit itong problema sa multiple identities ay hindi sapat na dahilan upang magdalawang-isip ang ating Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines sa pagtugis sa mga walang-awang mamamatay-tao na gaya ng Abu Sayyaf.

Maliban pa sa malaking budget na nakalaan sa Mindanao operation ng AFP, andiyan pa ang mga members ng US Armed Forces na matagal nang namalagi sa Western Mindanao na ang pakay ay matulungan ang Pilipinas sa pagtugis sa Abu Sayyaf at iba pang bandido sa kanlurang bahagi ng isla.

Walang kapatawaran ang ginawa ng mga Abu Sayyaf sa mga inosenteng civilian, dapat walang kapatawaran din ang maging posisyon ng pamahalaan kontra sa mga bandido!

ABU

ABU SAYYAF

ARMED FORCES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMED FORCES WESTERN MINDANAO COMMAND

BARANGAY TUBIGAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with