^

PSN Opinyon

NBI may alagang kalabaw

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

UMIIYAK ang mga player sa Bureau of Customs dahil sinusuwag at ginagatasan sila ng isang Jun areglo, a.k.a kalabaw. Sabi nga, nangingikil! Alam kaya ni NBI Director Nestor Mantaring na may gumagamit ng kanyang ahensiya na nangongotong dyan sa pier? Hindi lang damo ang kinakain ni kalabaw sa pier kundi pati mga bulsa ng mga negosiante sa Customs ay sinusuwag ni kalabaw. Sabi nga, binubutas! Kasama ni kalabaw ang isang Noel kililing ng agent U-2-10 ng NBI at nagpa­pa­kilalang batang sarado ng isang official ng National Bureau of Investigation na look a like daw ni rose tong Padilla? Hehehe! Nili-leeg ng mga ito ang mga broker, importer at mga kamoteng cash tong official sa aduana kapag araw ng Friday. Sabi nga, Biernes ang araw ng tarahan sa pier! Ipinagkakalat ng dalawang NBI agents ‘kuno’ na kapag hindi sila naghatag ng matino tiyak na hindi makakalabas ng maayos ang kanilang shipments. Sabi nga, huhulihin. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati pangalan ni Presidential Anti - Smuggling Group bossing Bebot Villlar ay ginagamit ng mga ito para dagdag panakot sa mga players sa BOC. Ika nga, dagdag tara! Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may bawat presyo ang kinikikil nina kalabaw at Noel kililing sa mga importer at broker sa pier. Dapat hanggang maaga ay kumilos na sina Man­taring at Villar sa dalawang kamote para bigyan sila ng leksyon. Sabi nga, ipakulong! Hintayin.                        

BIR North Quezon City

MATINDI pala ang pinaggagawa ng mga bugok na taga - BIR North Quezon City dahil sila mismo ang ku­makausap sa mga taxpayer na maging kurap para hindi gaanong masaktan sa pagbabayad ng tamang buwis sa gobierno ng Philippines my Philippines. Sabi nga, sila ang doctor na gagamot sa problema at sila rin ang abogado na magtuturo para sa problema. Malaking halaga ang nakukuha ng mga bugok dyan sa nasabing branch ng BIR kaya naman tuwang - tuwa ang mga kamote dito oras na magkaroon ng gamutan blues. Dapat sigurong ma-lifestyle check ang mga bugok todits sa lalong madaling panahon. Hindi lulubayan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang BIR North Quezon City. Tama ba, BIR Director Django Monte­mayor? Hintayin!

BEBOT VILLLAR

BUREAU OF CUSTOMS

DAPAT

DIRECTOR DJANGO MONTE

DIRECTOR NESTOR MANTARING

HINTAYIN

NORTH QUEZON CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with