^

PSN Opinyon

Kailangan bang itigil ang paninigarilyo?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ANG paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Gawin ang lahat para maitigil ito. Marami ang mga nagtatanong sa akin:

1. Ano ang kinalaman ng paninigarilyo sa alta­presyon?

Malaki. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng mga ugat at napag-alaman din na ito ay nakapag­papakipot ng mga ugat. Dahil sa bara o pagkakipot, napupuwersa ang puso na bumomba nang mas malakas kaysa dati upang dumaloy ang dugo sa mga ugat.

Dahil dito, tumataas ang ating presyon. Ang mga ugat na naaapektuhan ay matatagpuan sa iba-ibang bahagi o organo ng katawan tulad ng sa utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay nadadamay.

2. Bakit mahirap ihinto ang paninigarilyo?

Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina at ito ang sanhi kung bakit nawiwiling gumamit ang maraming tao nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Ang isang humihithit ng sigarilyo ay nakadadama ng kakaibang “high” – parang tumatalas ang isip at nakokondisyong magtrabaho. Maihahalintulad     nga ang sigarilyo sa mga pinagbabawal na gamot.

3. Ano ba ang benepisyong makakamit kung ihi­hinto ang paninigarilyo?

Marami po. Tiyak na hahaba ang iyong buhay dahil gaganda ang lagay ng iyong kalusugan. Makakaiwas ka sa mga komplikasyon sa katawan tulad ng mga sakit sa baga (emphysema at kanser), stroke, at atake sa puso. Makakatipid ka rin sa pambili ng sigarilyo at mailalaan ito para sa ibang mga gastusin.

4. Ang pagtigil ba sa paninigarilyo ay makapag­papalakas ng katawan?

Oo. Kung wala na ang nakasisirang epekto ng sigarilyo sa mga ugat, magsisimula na itong ku­sang maghilom. Lalakas ang inyong puso, utak at bato dahil gaganda ang daloy ng dugo. Pati sex-life niyo ay titindi rin. Ngunit ang prosesong ito ay mabagal kaya mas mainam kung maititigil nang maaga ang paninigarilyo upang hindi na umabot pa sa lubusang pagkasira ng mga ugat.

ANO

BAKIT

DAHIL

GAWIN

LALAKAS

MAIHAHALINTULAD

MAKAKAIWAS

MAKAKATIPID

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with