^

PSN Opinyon

Batangas Lodge # 35 F. & A. M.

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SABADO, January 23, ang ika - 94th Public Installation of Officers for Masonic year 2010 ng Batangas Lodge # 35 dyan sa Batangas Masonic Temple sa 13 P. Burgos St., Batangas City.

 Si Honorable Bongbong Marcos ang kanilang panauhin pandagal para magbigay ng inspiration talk sa mga Brethren na dadalo.

Ang mga bagong halal na official ng Batangas Lodge #35 ay sina incoming WM Bro. Carlito A. Hernandez, SW Bro. Efren C. Alaras, JW Bro. Manuel DC. Castillo, Secretary VW Exequiel B. Tamayo, PDGL, Treasurer VW Villaruel D. Dote, PDGL, Auditor VW Simeon B. Caguicia, PDGL, Chaplain Bro. Rudolfo Francis M. Montalbo, Marshall Bro. Gregorio I. Adel, Senior Deacon Bro. Marvin G. Marasigan, Junior Deacon Bro. Romulo E. Torio Jr., Almoner Bro. Rodney Y. Ramirez, Orator Bro. Dennis A. Lanuza, Lecturer WI Eusebio R. Magnaye, GLI, Organist Bro. reynaldo Y. Mijares, Senior Steward Bro. Benedicto C. Cabungcal Jr., Junior Steward Bro Caerwin A. Castelo, Tyler WB Florante B. Comia.

Ang lahat ng mga miembro ng kapatiran ay iniimbitahan ng nasabing lodge sa Saturday.

Sabi nga, huwag na hindi pupunta maraming tsibog and laklakan blues!

NBI pinalakpakan, 3 matakaw

 IPINAGBUNYI dahil sa galak ang pagkakasakote kay Jason Aguilar Ivler sa kanyang haybol dyan sa kyusi may tama ito ng dalawang bala sa katawan ng bitbitin ng NBI para dalhin sa ospital.

 Ang murderer ay wanted sa pagpatay sa anak ni Undersecretary Reynato Ebarle Sr., dyan sa may Boni Serrano, QC, may two months na ang nakakaraan tatlong tama ng bala ang pumasok sa katawan ni Ebarle Jr., na ikinasawi nito.

 Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa NBI dahil sa casing na ginawa nila para madampot ang kamoteng si Jason na may P1 million patong sa ulo buhay o patay.

 Pero hindi ito ang kuento ng mga kuwago ng ORA MISMO, may tatlong nagpapakilalang NBI agents ang pumupunta sa mga night clubs na matitindi ang lagaputan sa cubicle at hubaran blues.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatlong itlog ay nagpapakilala sa mga club owners na sina Ariel, Zaldy at Rico kampana.

 Umabot sa P50,000 weekly ang tasa ng mga ito sa mga may-ari ng club lalo’t iyong matitindi ang illegal sa loob.

 Sabi nga, iyutan blues!

 “Bakit nanghihingi ng P50,000 ang tatlong NBI three little eggs ?’

 ‘Matindihan ang illegal sa club lalo’t sa Pasay City ?’

 ‘Ang mahal naman ng hinihingi ?’

 ‘Pinababa ng P30,000 pero puede pang pag-usapan.’

 ‘Alam kaya ni Director Nestor Mantaring ito ?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

 ‘Si Noel ang may alam ! ‘

 ‘May mga gago pa rin pala sa NBI na sumasama sa mga illegal ?’

 ‘Siempre may pitsa’

 ‘Ano ang dapat gawin?’

 Abangan

Kevin tsekwa at tulo ng PAGCOR

SANGKATERBA ang kumakalampag sa mga kuwago ng ORA MISMO, para tibagin ang isang Kevin tsekwa at isang aka. tulo dyan sa Heritage Hotel dapat daw kasing makalkal ang mga kamoteng ito porke sangdamukal na pera ang nayayari nito sa kanilang bossing na si PAGCOR Chairman Efraim Genuino.

 Ang Bureau of Internal Revenue at NBI ang dapat daw mag-imbestiga regarding sa kagaguhan ng dalawang nabanggit.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, million of pesos na ang nakukulimbat ni Kevin tsekwa at tulo sa Heritage na binabalewala daw ng management.

Abangan.

Malaking sekta, ginagasgas

ISANG Wilson, miembro ng pinakamalaking sekta ng relihiyon sa Philippines my Philippines ang humahawak ng pokeran.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Binabendera ni Wilson na malakas at bagyo daw siya sa anak ng pinakamatinding sekta ng mga kapatiran sa Republic of the Philippines my Philippines.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’

Abangan

ABANGAN

ALMONER BRO

ANG BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BATANGAS LODGE

BRO

KEVIN

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with