^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gaano kahusay ang Kapitan ng mga barko?

-

SA kapabayaan ng kapitan ng barko, ang mga pasahero niya ang napapahamak. At maisusumpa ang mga kapitan ng barko na walang gaanong kaalaman sa kanyang trabaho. Paano naging kapitan ng barko ang mga walang alam laluna kapag nasa emergency nang kalagayan? Panahon na para mag­higpit ang mga may-ari ng shipping company sa pag­tanggap ng mga mag-ooperate ng kanilang barko.

Nang umalis umano sa Calapan City port ang M/V Baleno 9 noong alas-otso ng gabi ng Sabado, napan­sin na ng ilang pasahero na tagilid ito. Para raw hirap na hirap makapaglayag. Ganunman wala ni isang personnel ng barko ang nakapansin at nakapaglayag ang barko patungong Batangas City. Maliwanag ang buwan ng gabing iyon. Ang banayad na alon ay kumi­kislap sa paghiwa ng barko.

Lumipas ang kalahating oras, o ganap na 8:30 ng gabi, habang ang mga pasahero umano ay relaks sa kanilang mga upuan, nakarinig daw sila nang malakas ng THUG! Iyon na raw ang simula at tumagilid na ang barko. At nagsimula nang pumasok ang tubig. Napirmi na ang barko sa kabilang bahagi at ang mga kawawang pasahero ay nagsimula nang magpanik. Nagkanya-kanya nang labasan sa airconditioned room ng barko. Nagkatapakan. Nagkabanggaan. Nagkanya-kanya nang ligtas sa sarili.

Pero ang nakapagtataka raw, ayon pa sa mga nakaligtas, walang Kapitan ng barko o mga crew na nag-uutos sa mga pasahero na huwag magpanic. Walang nag-asikaso kung paano makukuha ang mga lifevest, salbabida at iba pang kagamitan na pang-emergency. Wala ni isa man na nagtuturo ng gagawin sa ganoon kahirap na sitwasyon.

Kadalasang ang mga trahedya sa dagat ay naga­ganap kapag mayroong bagyo o sama ng panahon pero sa nangyari sa M/V Baleno 9 na wala man lang sungit ng panahon, maisisisi sa Kapitan ng barko ang pangyayari. Anong klaseng kapitan meron ang Baleno 9 at hinayaang magpanic ang kanyang mga pasahero?

Nakaamba na naman ang panibagong imbesti­gasyon sa nangyaring trahedya. Sige, imbestigahan. Pagkatapos imbestigahan e paglayagin uli ang mga barkong katulad ng Baleno 9 at Catalyn B (bumangga sa Anatalia noong Pasko) at hayaang may mangyari uling trahedya.

BALENO

BARKO

BATANGAS CITY

CALAPAN CITY

CATALYN B

KAPITAN

NAGKANYA

NANG

V BALENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with