^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Hindi na nakapagtimpi ang mga mamamahayag

-

AYON sa isang lumutang na witness sa Maguin­ danao massacre, nagmamakaawa na raw ang dalawang mamamahayag (isang lalaki at isang babae) kay dating Datu Unsay mayor Andal Am­patuan Jr. na huwag silang patayin. Lumuhod pa umano sa harapan ni Andal Jr. ang dalawang mama­mahayag pero walang narinig o nakita ang dating mayor at walang awang pinagbabaril ng baby arma­lite ang dalawa. At kahit nakabulagta na ay pinagba­babaril pa para siguruhing wala nang buhay ang dalawa. Tatlumpung mamamahayag ang kabilang sa 57 tao na minasaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23. Kasama sa konboy ang mga mama­mahayag nang harangin ng mga armadong civilian volunteers sa pangunguna umano ni Andal Jr. Pinababa sa sasakyang ang mga hinarang at saka dinala sa liblib na lugar at doon pinagbabaril. Ang iba ay inilibing sa nakahanda nang hukay. Karumal-dumal ang krimen na kahit ang mga pinuno ng ibang bansa ay nagpahayag ng pagkondena sa nangyari. Humihiling na lutasin agad ang kaso at nang makamit ang hustisya.

Sumuko naman pagkaraan ng tatlong araw si Andal Jr. Dinala siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at sinampahan ng murder. Ikinulong siya sa NBI detention cell. Noong Biyernes, nagka­ roon ng preliminary investigation sa kaso. Nagka­roon ng kaguluhan pagkatapos ng preliminary investigation. Sinugod ng mga galit na mamamahayag si Andal Jr. at ipinakita rito ang mga kuhang retrato ng mga minasaker. “Pagmasdan mo ang mga pinatay mo!” sabi ng mga galit na mamamahayag. Habang naglalakad, isang cameraman ang galit na inihampas sa noo ni Andal Jr. ang kanyang camera at napangiwi ang dating mayor. Isa rin umano ang sumipa sa kanya habang naglalakad. Nakaamba ang suntok sa kanyang mukha. Hindi napigilan ng mga escort ang pagdaluhong ng mga mamamahayag kay Andal.

Hindi na nakapagtimpi ang mga mamamahayag sa nadamang galit sa dating mayor. Hindi sila masisisi sapagkat 30 kasamahan nila ang walang awang pinatay. Matatahimik lamang ang kanilang kalooban kung mabilis na uusad ang kaso at mapa­parusahan nang mabigat ang mamamatay-tao. Hindi sana pagtagalin pa ang pagkakamit ng hustisya. 

ANDAL

ANDAL AM

ANDAL JR.

ANDAL JR. DINALA

ANDAL JR. PINABABA

DATU UNSAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOONG BIYERNES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with