^

PSN Opinyon

Kuryente ba o totoo?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY nagplano nga bang itakas ang ilang mga Ampatuan na ngayo’y nakakulong sa NBI? Isang Pajero ang natagpuang abandonado sa paligid ng Padre Faura, malapit-lapit na sa tanggapan ng NBI at may mga baril at granada. Mainit pa ang makina ng sasakyan nang matagpuan, kaya mukhang katatakas lang ng mga sakay nito. Di pa matiyak kung ang plano nga ng mga naka­sakay ay lusubin ang NBI at ilabas sina Ampa­tuan. Pero kung iyon ang balak nilang gawin, isang trak na puno ng armadong tao siguro ang dapat gumanap diyan, sa higpit at dami na ng seguridad sa NBI! Kaya di ko matanggal sa isip ko na baka naman pa-epek lang ito!

Ngayon, may balita na ang isang angkan mis­mo ng mga Ampatuan ang magsasalita na laban sa kanyang mga kamag-anak, at ituturo na mara­mi sa kanila ang sangkot sa pagpatay sa 57 tao, karamihan miyembro ng pamilyang Manguda­datu. Mahirap paniwalaan na mismong angkan ang magsasalita laban sa mga Ampatuan, kaya hindi rin matanggal sa isip ng marami kung kuryente naman ito! Alam natin na hinahalughog na ng pamilyang Ampatuan ang langit at lupa para makamit muli ang kanilang kalayaan. Maliban na lang sa hindi pa linalabas ang kani­lang alas. Puwede rin na kaya mabilisan ang pag­lilitis sa kanila ay para hindi na nga mailabas ang kanilang alas! Mag-eeleksyon na naman, at iinit muli ang usapang dayaan tuwing eleksyon.

Marami nang nakaaalam sa sistema ng hala­lan sa Maguindanao. Ang pagdiskubre ng ilang libong voter’s ID na kasamang ibinaon sa mga baril at bala ay malaking indikasyon na sa sis­tema! Puwede na bang sabihin na magkakaroon na ng tunay na halalan sa Maguindanao, nga­yong nasa kulungan na ang karamihan ng mga Ampatuan? Mangyari kaya? Matuwa naman din kaya ang mga mamamayan ng Maguindanao, kung sanay na silang may bumoboto na para sa kanila? Baka naman iyan ang pagkakaintindi nila ng full automation na halalan, ayon sa mga Ampatuan!

Iba talaga ang mga pangyayari nitong mga huling buwan ng administrasyong Arroyo! Ano pa kaya ang mangyayari, na tila lahat ay pagkaka­taon o pamamaraan para manatili sa kapang­yarihan? At halos wala nang pakialam si President Arroyo sa kanyang imahe at kung ano pa ang isipin ng taumbayan ukol sa kanya. Basta’t manatili pa rin sa pwesto, kahit sa mas mababa pang posisyon!

ALAM

AMPATUAN

ISANG PAJERO

KAYA

MAGUINDANAO

PADRE FAURA

PRESIDENT ARROYO

PUWEDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with