^

PSN Opinyon

Atty. Silverio 'Biong' Garing

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BINATIKOS ng todo ni Atty. Garing, pangulo ng FEU Law Alumni Association, ang karumal-dumal na patayan ginawa ng mga kamote sa Maguindanao matapos mapatay ang dalawang abogada todits.

Sabi ni Biong, mabilisan hustisya ang kailangan sa mga biktima.

Toothless Martial Law di dapat katakutan

NAGUMPISA na ang sarsuela sa joint-session ng Mataas at Mababang kabulungan este mali Kapulungan pala ng Kongreso para talakayin ang Presidential Proclamation 1959 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, yesterday afternoon.

Fearless forecast ng mga kuwago ng mga ORA MISMO - valid ang Martial Law!

Bilib ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa sigaw ni Bonifacio este mali Archbishop Orlando Quevedo sa kanyang pastoral statement sa website ng CBCP, na may jurisdiction sa Maguindanao.

Sabi nga, media and politicians from faraway Manila do not seem to be familiar with these social, political, and cultural situation in Maguindanao.

They seem to think that the police and the military can easily go into an area and just arrest the suspected culprits.

Even a ‘state of emergency’ did not seem adequate to cope with the situation.”

Inayunan din ito ng isang Cotabato Bishop at nagsisigaw sa pulpito na buo ang tiwala ila sa military administrator na si Lt. General Raymundo Ferrer ng East Mindanao Command.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Lt. General Ferrer ay respected ng church at mga non-government organization leader sa Mindanao bilang isang professional soldier with independent mind.

Sabi nga, hindi kayang diktahan!

Ika nga, ng powers that be.

“This cycle of violence has affected the peace process in that area and its surrounding municipalities. Guns seem to be everywhere. The functioning of courts of justice and of election bodies have been highly suspect for a long time partly due to the political allegiances of court officers. Competence, transparency, and accountability in political governance in many places have to be significantly improved. In Maguindanao, family name and relationships is most important,” sabi ng Achbishop.

Tama nga naman!

Bakit ba tayo matatakot sa martial under the 1987 Constitution samantala bungi este mali toothless naman ito dahil sa mga condition na nilagay ng Cory government.

Hindi ito tulad ng 1972 martial law ng dating diktadura Ferdinand Marcos na malupit.

Ang rule of law ay nangingibabaw sa bagong Constitution ng Philippines my Philippines.

Sangkatebang mga politiko, abogado, media, cause oriented groups at iba pang human rights activists ang walang sawang bumatikos agad todits.

Katayin este mali antayin natin ang paliwanag ni Ate glow, kung may factual bases ba ang martial law sa Maguindanao ?

Ang pagbobotohan sa Kongreso.

Ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ay handa na sa pagbebenta ng bala este mali nationwide crackdown ng mga PAGS.

Kaya kayong mga bossing ng sumuso este mali isuko ninyo na lahat ang mga boga ninyo echetera.

Sabi nga ni Chief Philippine National Police Jess Verzosa, ‘our national firearms control program is a no non-sense drive towards total disarment. We need the full cooperation and support of the citizenry if this struggle towards a better functioning democracy under the auspices of peace and justice for all.’

Ang madlang people sa Philippines my Philippines ay nagmamasid kay Kuyang Jess at ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay nanalig sa iyong sincerity at Brave heart!

‘Ok ba ang batas militar na pinaiiral ngayon sa Maguindanao?’ tanong ng kuwagong killer.

‘Of course, naiwasan ang mga patayan ngayon sa probinsiya ang mga matatapang ay parang mga tipaklong nagtatalunan from one place to another, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi nga, parang mga daga.

‘Ano iyon?’

‘Tago dito, tago doon, baon dito, baon doon, siksik dito, siksik doon, lipat dito, lipat doon ang mga ginagawa ng mga kriminal dyan sa Maguindanao, sabi ng kuwagong CO-2-10 sa Aguinaldo.

‘Ano ngayon ang mabuting gawin ?’

‘ipatupad ang martial law huwag intrigahin dahil kailangan magkaroon ng peace and order sa Maguindanao dahil kung pababayaan ito tiyak gantihan ito ng mga warlord sa nangyaring Ampatuan massacre.

Ika nga, rido!

‘Mabuti mabilis na kumilos sina CPNP at AFP bossing Ibrado sa nasabing province kung hindi tiyak bumaha ng dugo dito’

‘Ano ngayon ang maganda ?’

“palakpakan sina Verzosa at Ibrado!’

Sabi nga, mabuhay sila....

Abangan.

vuukle comment

ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ANO

ARCHBISHOP ORLANDO QUEVEDO

CHIEF PHILIPPINE NATIONAL POLICE JESS VERZOSA

LSQUO

MAGUINDANAO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with