^

PSN Opinyon

Bakit tayo nasa world news uli?

SAPOL - Jarius Bondoc -

NASA world news na naman ang Pilipinas, parang nu’ng Setyembre nang nambaha si Storm Ondoy. Tatlo ang rason sa pandaigdigang atensiyon. Una ang ka­hanga-hangang pagkamit ni Manny Pacquiao ng world boxing title sa ika-pitong weight division. Ikalawa ang Maguin­danao massacre. Ikatlo ang pagpapataas ng Pilipinas sa world price ng bigas.

Nagngingitngit sa atin ang India, Bangladesh, Afgha­ nistan, at ilang bansa sa Africa. Kasi frantic kung mamili ng bigas ang National Food Authority mula sa Vietnam at Thailand, ang dalawang pinaka-malalaking rice exporters. Dati palaging may surplus na ani ang India, pero ngayon ay kinakapos nang 3 milyon tonelada. Ang Pilipinas naman, na dati nang umaangkat ng tau­nang 2.5 milyon tonelada, ay magdadagdag umano ng 250,000 tonelada dahil sa pagka­wasak ng mga bag­yong Ondoy at Pepeng sa mga palayan.

Ayon sa mga balita, cool na cool lang kung mamili ang India, para hindi mabulabog ang presyo ng bigas. Unti-unti nito aangkatin ang kakulangang 3 milyon tonelada, para makapag-negotiate ng murang rate. Pero ang NFA daw ay parang nagpa-panic na maubusan ng stocks. Natural sinasamantala ito ng international rice traders. Tinataasan ng mga kartel sa Thailand at Vietnam ang presyo.

Hindi mo naman masasabing mahihina ang utak ng mga taga-NFA kaya nagpa-panic. Marahil ay sinasadya nilang pataasin ang presyo upang pagtakpan ang naunang krimen. Sariwain natin:

Nu’ng Hunyo at Disyembre 2008 kinontrata ng NFA ang Vietnam na magdala sa 2009 ng 600,000 tonelada at 1.5 milyon tonelada. Lihim ang negosasyon. Binago ng NFA ang dating sistema na farmers’ cooperatives ang umangkat. Ginawa nilang direktang kontrata ng gobyerno. Binisto ng Reu­ters news agency na mas mataas nang 45% ang kontrata kaysa umiiral na free market price. Panay ang deny ng NFA sa ba- lita. Pero totoong halos ka­lahati nga lang ang tamang presyo, dahil nakapaskel sa Internet.

AFGHA

ANG PILIPINAS

AYON

BINAGO

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PERO

PILIPINAS

SHY

STORM ONDOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with