Wastong pagtrato sa mga matatanda
NAKAUPO ang 80-taon-gulang na ama sa terasa ng lumang kubo, kasama ang edad-45 na edukadong anak. Bigla may dumapong ibon sa barandilya. “Ano ito?” ta-nong ng matanda sa bata. Mabilis ang sagot: “Uwak ‘yan.”
Matapos ang ilang minuto, tinanong uli ng ama ang anak: “Ano ito?” Sagot sa kanya: “Kasasabi ko lang, uwak ‘yan.”
Di nagtagal, nagtanong ang ama nang ikatlong beses: “Ano ito?” Paangil sumagot ang anak: Uwak ‘yan, uwak.”
At ikaapat na ulit nagtanong ang matanda: “Ano ito?” Pasigaw sumagot ang bata: “Bakit ba paulit-ulit kayo sa tanong na ‘yan. Ilang beses ko nang sinabi, uwak ‘yan, uwak. Hindi niyo ba ‘yun maintindihan?”
Maya-maya, tumungo ang ama sa silid, at bumalik dala ang lumang gula-gulanit na diary, na itinabi niya mula nang isilang ang anak. Hinanap niya ang isang petsa at ipinabasa sa anak ang isinulat niya noon:
“Kanina sa terasa nakadantay sa akin ang munting anak kong edad-3 sa upuan, nang may dumapong ibon sa sahig. Tinanong niya ako nang 23 ulit kung ano ‘yon, at 23 ulit ko rin siya sinagot na uwak ‘yon. Niyapos ko siya matapos kong sagutin nang 23 beses. Hindi ako nairita; sa halip nadama ko ang pagmamahal sa anak.”
* * *
Kung matanda na ang iyong magulang, huwag silang kamuhian o itratong pabigat. Sa halip kausapin sila nang malumanay, masunurin at mapagkumbaba. Maging matiyaga sa kanila, at ipagdasal sa Diyos na:
“Pasayahin ang magulang ko palagi. Inaruga nila ako. Binuhusan nila ako ng pagmamahal. Tinawid nila ang bun dok at sinuong ang bagyo para hubugin akong maging kapita-pitagang tao sa lipunan ngayon. Turuan ako magsilbi sila sa pinaka-ma buting paraan. Mabubuting salita lang ang bibigkasin ko sa kanila, ano man ang igawi nila. Amen.”
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending