^

PSN Opinyon

Sa una nabulilyaso, sa huli nama'y nagpositibo

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NABULILYASO ang ikinasang operasyon ng Optical Media Board o OMB nitong Miyerkules ng hapon sa Maynila.

Isa sanang establisimento na mayroong replicating machines ng pirated VCD’s at DVD’s ang kanilang lulusubin.

Malaki ang inihandang operasyon na ito ng OMB dahil ayon kay OMB Chairman Rickets, ang mga replicating machines na kanilang target ay kayang gumawa ng sam­pung libong piniratang VCD at DVD sa loob ng isang oras lamang.

Apat na araw daw nilang sinurveillance ang nasabing establisyamento sa Maynila at positibong nakita ang mga replicating machine.

Masuwerte namang BITAG ang personal na inimbi­tahan ni OMB Chairman Ronnie Rickets upang mag­doku­mento ng nasabing operasyon.

Maganda at maganda ang proseso mula sa pagpa­plano hanggang sa pagconvoy ng pitong sasakyang lulan ng mga operatiba ng Philippine National Police at OMB Strike Force.

Subalit sa di inaasahang pangyayari, nabulilyaso ang plinanong operasyon. Mukhang nakatunog ang target, may paniwala si OMB Chairman Rickets na          may tumimbre.

Hindi maiiwasang mangyari ang mga ganitong ekse­ na kung saan kasado na ang lahat, bagaman may mga nauna nang impormasyong napatunayan subalit kapag nagkatimbrehan nauuwi ang operasyon sa pagkabulil­yaso at pagkapurnada.

Kinabukasan, Huwe­bes ng hapon ay isang tawag mula kay OMB Rickets ang muling na­tanggap ng BITAG.

Binalikan raw nila ang nasabing establisi­miyentong may mga re-plicating machine.

Ang kanyang ma-gan­dang balita, muling nagpositibo kung kaya’t tinuluyan na nilang isi­nawaga ang strike operation na naunsiyami noong Miyerkules ng Hapon.

Ang buong detalye, mapapanood sa BITAG bukas ng alas-9 ng gabi sa IBC 13.

Abangan!

CHAIRMAN RICKETS

CHAIRMAN RONNIE RICKETS

MAYNILA

MIYERKULES

OMB

OPTICAL MEDIA BOARD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

STRIKE FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with