^

PSN Opinyon

Cyber Boso Bill, pasado na!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MAGANDANG balita ang natanggap ng BITAG kung saan unang ipinaalam sa aming grupo ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng ang pagkakapasa ng kaniyang House Bill 4315 o ang Cyber Boso Bill.

Matatandaang dalawang taon na ang nakakaraan ng pasimulang itulak ni Rep. Tieng ang Cyber Boso Bill laban sa mga nagdodokumento, nagtatago at nagpapakalat ng mga pribadong videos tulad ng pagtatalik na ikakasira ng taong laman ng video.

Ito’y dahil na rin sa sunod-sunod niyang napapa-nood at nakikita sa aming programa simula pa 2007 ang mga kaso ng mga kababaihang idinodokumen­to ng kanilang mga kasintahan ang kanilang pagtatalik.

At oras na dumating ang panahon ng kanilang pag­hihiwalay o di pagkakaunawaan, ipapakalat ang videong naidokumento gamit ang internet at cellphone upang sirain ang biktima.

Kaya naman, masamang balita para sa mga manya-kis at mapang-abusong mahilig mag-video ng malalaswa at pribadong gawain.

Isang hakbang na lamang, pirma na lamang ni Pa­ngulong Gloria Arroyo ang hinihintay at tuluyan nang tatawaging batas ang Cyber Boso Bill.

Mula Kongreso, hanggang Senado, naipasa na ang nasabing house bill. Nakakatawang nabanggit pa ni Rep. Tieng noong Huwebes sa BITAG Live, kundi pa isang kilalang personalidad pa ang naging biktima, hindi pa susulong ang Cyber Boso.

Itinengga ng matagal sa Kongreso kaya pagputok ng Halili-Kho Scandal, mi­nadali sa Kongreso. Tsk tsk tsk…

Mamatyagan nga­yon ng BITAG ang mga suspek na nasa likod ng Internet Blackmail at pornograpiya, may batas nang tutul­dok sa inyong mala­laswa at masamang gawain.

May dahilan na ang BITAG para kuwel­yu­han kayo isa-isa!

BUHAY PARTY LIST REPRESENTATIVE IRWIN TIENG

CYBER BOSO

CYBER BOSO BILL

GLORIA ARROYO

HALILI-KHO SCANDAL

HOUSE BILL

INTERNET BLACKMAIL

KONGRESO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with