Alpha et Omega
NGAYON ang Dakilang kapistahan ng Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan. Christ the King. Ngayon din ang ika-34 na Linggo o ang kahuli-hulihang Linggo sa karaniwang panahon na taong B. Tayong mga Kristiyano lalo na ang mga Katoliko ay mayroong tatlong taon sa Liturhiya ng Pagdiriwang, ang Taong A B K o C. Kaya sa susunod na Linggo (Nobyembre 29, 2009) ay Bagong Taon K. Happy New Year sa Liturhiya ng ating simbahan.
Ipinahayag ni Daniel sa Lumang Tipan na ang pagmamahal ng Diyos ay di matatapos kailanman. Nakita niya sa kanyang pangitain ang taong nakasakay sa Ulap, bumaba sa sanlibutan at binigyan Siya ng kamahalan, karangalan at kaharian. paglilingkuran siya ng lahat ng tao, bansa at wika. Maging ang Salmo ang nagpahayag: “Panginoo’y naghari na, ang damit nya’y maharlika”.
Maging sa Juan sa kanyang Pahayag (Revelation) ang nagsabi sa atin na si Hesus ang tapat na saksi, unang na buhay sa mga patay. Siya ang Hari ng mga hari sa lupa. Kaya ang muling pagkabuhay ni Hesus matapos ang Kanyang pag-aalay ng sarili sa Krus ang tagumpay ng Kanyang pagliligtas at pagpapatawad sa ating mga makasalanan. Sabi ng Panginoong Diyos: Ako ang Alpha at Omega, ang Simula at Katapusan. Makapangyarihan sa lahat ang ating Panginoong Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan at sa darating. Maging sa paglilitis kay Hesus ay sinabi Niya kay Pilato: “Ang kaharian Ko’y hindi sa sanlibutang ito … kung dito ipinakipaglaban sana ako ang aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian. Ako’y ipinanganak at naparito sa sanlibutan upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinu mang nasa katotohanan. Ako ang Simula at Katapusan.
Kaya tayong lahat na sumusunod kay Hesus ay isa-buhay buhay ang katotohanan. Napakaraming away at kaguluhan sa mga tahanan, pamahalaan, at lahat ng sangay ng lipunan na ang pawang simula ay ang hindi pagtanggap at hindi pagpapaha- yag ng katotohanan. Tanggapin natin ang ating pagkakamali, iwasan ang kasamaan, mabuhay ng may pag-ibig sa kapwa at asa- han natin na hindi tayo pababayaan ni Kristong Hari ng Simula at Katapusan.
We glorify thy name o Lord our God!
Dn7:13-14; Salmo93; Pahayag1:5-8 at Jn18:33-37
- Latest
- Trending