Dalawang palaisipan
MEDYO iibahin ko naman ang style ng aking isusulat ngayon. Mayroon akong dalawang tanong sa readers. May sagot din ako, pero ang wish ko ay magkakaroon din ng sagot ang readers. Kung gusto ninyo, ipadala ninyo ang sagot sa akin sa text o sa e-mail.
Marami ang nagsasabi na sa tagal na ni Mrs. Gloria Arroyo sa puwesto, dapat mag-retire na siya sa pulitika at huwag na siyang tumakbo sa anumang position. Sa madaling sabi, hayaan na lang niya ang ibang tao na humawak ng poder. Marami rin ang nag-iisip kung may magaganap bang pandaraya sa darating na election. Marami na ring mga expert ang nagsasabi na kung may gustong mandaya sa election, maaari pa raw gawin, dahil sa paggamit ng computer, baka lalo lang bumilis ang pandaraya, dahil automated na diumano.
Ayon sa mga balita, madalas daw pumunta si Mrs. Arroyo sa Pampanga, at batay sa kanyang mga pagkilos, parang nangangampanya na siya na tumakbo roon, at baka raw bilang kinatawan ng isang distrito roon para sa Kongreso. Ayon sa mga kuro-kuro, kapag tumakbo raw si Mrs. Arroyo, lalabas na ang totoo sa kanyang pagkatao na hindi pa siya nabusog sa poder sa tagal ba naman ng kanyang pag-upo sa puwesto. Sa salitang Ingles, masyado naman daw siyang magiging greedy sa poder kung siya ay tatakbo pa.
Yan na nga ang aking unang tanong. Kaya ba kaya ni Mrs. Arroyo na mag-moderate ng kanyang greed? Sa tingin ko, hindi. Ayon kay Madam Susan Roces, nandaya daw si Mrs. Arroyo not just once, but twice. Sa unang beses ng kanyang pandaraya, nahuli siya sa akto kaya siya nag-sorry kuno. Sa tingin naman ng karamihan, hindi siya sincere sa kanyang pag-sorry, dahil ang tunay lamang na gamot sa kanyang kasalanan ay ang pagbaba sa puwesto na hindi naman niya ginawa. Yan na rin ang aking pangalawang tanong. Kaya kaya ni Mrs. Arroyo na mandaya ulit ng pangatlong beses, this time para sa kanyang manok? Sa tingin ko, oo kayang kaya niya.
- Latest
- Trending