^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan ang P60.5-billion road taxes?

-

KUNG ikaw ay may-ari ng sasakyan na naire­histro noong 2001 kabilang ka sa nagbayad ng road user’s tax. Hindi mo mairerehistro ang iyong sasakyan hangga’t hindi ka nagbabayad nito. At alam mo ba kung para saan ang road user’s tax? Ito ay gagastusin para sa maintenance ng kalsada, paglalagay ng road guards, barriers, paglalagay ng mga reflectorized device at iba pang mahahalagang signage sa kalsada para maging safe ang motorista. At bukod sa mga nabanggit, gagamitin din ang road user’s tax sa pagsasaayos ng mga drainage. Ang daming paggagamitan ng road user’s tax. Mula 2001 hanggang 2009, umabot sa P60.5 billion ang nali­kom na pondo mula sa road user’s tax. Ang laki!

Pero marami ang nabulaga nang isang araw ay biglang nagtatarang si Sen. Miriam Defensor-San­tiago at hinahanap ang P60.5 billion. Ano? Bakit? Pa­anong nangyari na ang P60.5 billion ay hinaha­nap? Pinagbasehan ni Santiago ang report ng Commission on Audit sa nawawalang pondo. Ito ngayon ang binubulatlat ni Santiago at nagbanta siya na kapag hindi nailabas o naipaliwanag ng mga kina­uukulan kung saan napunta ang bilyones mula sa road user’s tax ay mananagot sila. Ayon kay San­tiago, dapat managot ang mga miyembro ng Road Board na kinabibilangan ni dating DPWH secretary Hermogenes Ebdane, at ng dating executive director ng board na si Rodolfo Puno, kapatid ni DILG secretary Ronaldo Puno. Si Ebdane ay kandidatong presidente. Hiniling ni Santiago sa Ombudsman na imbestigahan na sina Ebdane at Puno. Nararapat umano silang ma-prosecute dahil sa “unconscionable multibillion anomalies”.

Ngayon ay malinaw na sa mga nagrerehistro ng sasakyan na kabahagi sila sa bilyong pondo na kinu­ kolekta para sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga kalsada at drainages. At ngayong “nawa­wala” ang pondo, lumilinaw naman ang katotoha­nang kaya maraming nangyayaring aksidente sa kalsada lalo na sa gabi ay dahil walang mga kauku­lang signages o reflectorized device sa mga kalsa­da. Maraming sa­sakyan ang bumabangga sapagkat walang makitang palatandaan sa kalye. At isa pang lumabas na katoto­hanan ay ang baradong drainages na dahilan ng pagbaha. Maraming sasakyan ang nalulubog sa baha.

Dapat pala talagang bulatlatin ang isyung ito. Sana, dagdagan pa ang tapang ni Santiago.

HERMOGENES EBDANE

MARAMING

MIRIAM DEFENSOR-SAN

ROAD

ROAD BOARD

RODOLFO PUNO

RONALDO PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with