Pagkakaiba ng dysmenorrhea, amenorrhea at menorrhagia
Dr. Elicaño, ano po ba ang pagkakaiba ng dysmenorrhea, amenorrhea at menorrhagia? Pakipaliwanag po. Salamat. –PAULINE M. ng Makati City
Salamat sa pag-e-mail Pauline.
Ang dysmenorrhea ay yung painful periods kapag may menstruation. Amenorrhea naman ang tawag kapag tumitigil ang monthly period samantalang menorrhagia ang tawag kapag mayroong heavy menstrual period.
Ang dysmenorrhea ay umaapekto sa mga kabataan at nawawala lamang ang sintomas kapag nakapanganak sa panganay o gumamit sila ng pill. May mga ebidensiyang nagpapatunay na ang pag-take ng Vitamin B6 ay nakaka-relieve ng symptoms. Ang pag-take rin ng Vitamin C and E ay nakatutulong (bagamat hindi pa lubos na napatotohanan) sapagkat pinare-relax ang walls ng mga blood vessels para mabawasan ang cramping sensation.
Ang pagkakaroon ng amenorrhea ay maraming dahilan. Maaaring dahil sa thyroid problems, obesity at diabetes. Ang labis na pag-eehersisyo, pagkawala ng timbang, problema sa emotion at labis na pag-iisip ay maaaring maging dahilan kung bakit tumitigil ang regla. Ito ay karaniwang kondisyon na kung tawagin ay anorexia nervosa na kadalasang problema ng mga babaing atleta partikular ang mga gymnasts at mga long distance runners. Ang madalas na pagpapalit ng contraceptive pills ay maaari ring makaapekto sa menstrual cycle.
Ang menorrhagia ay maaaring sumapit sa kababaihan kapag siya ay nag-uumpisang magregla o kapag malapit na siyang mag-menopause. Karaniwan itong nangyayari sa mga gumagamit ng Intra-Uterine Device (IUD). Maraming dahilan din kung bakit nagkaka-menorrhagia. Kabilang dito ang hormone imbalance o fibroids.
Kumunsulta sa Ob-Gyne para mabigyan ng advice.
- Latest
- Trending