'Mag-ingat sa FRANCON INTERNATIONAL!'
PINAG-IINGAT namin ang publiko laban sa kumpanyang nagngangalang FRANCON INTERNATIONAL, isang bogus na franchise developer.
Ang FRANCON INTERNATIONAL ay nanghihikayat ng mga maliliit na negosyante na bumili ng kanilang negosyong food cart franchise sa pamamagitan ng kanilang mapanlinlang na website.
Matinding babala ang ipinakakalat namin upang huwag kayong mahulog sa bitag ng kasinungalingan ng website ng FRANCON, ang www.franconfranchise.com.
Matatagpuan ang pinagkukutahan ng FRANCON INTERNATIONAL sa 21st Flr., Unit 2108-2110, Antel Global Corporate Center sa J. Vargas, Ortigas Pasig.
Sadyang inilalathala ng kolum na’to ang kanilang lungga upang maitatak sa inyong isipan nang makaiwas kayo sa kanilang panloloko’t panlilinlang.
Sangkaterba na ang mga nabiktima ng inirereklamong kompanyang ito. Lumutang na ang mahigit isang dosenang biktima na lumapit sa amin. Patuloy kaming nananawagan pa sa ibang mga nabiktima na lumapit agad sa BITAG.
Tandaan: Modus ng FRANCON INTERNATIONAL ang agarang maisara agad ang transaksiyon matapos tumugon ang sinuman, sa kanilang patibong na website. Narito ang kanilang estilo:
UNA, matamis na pangako ang kanilang agad na ipinupronta.Kapag kayo’y naging franchisee ng kanilang kumpanya, sitting pretty na lang daw kayo na parang mga Don at Donya sa buhay.
IKALAWA, mula sa produkto, gamit, supply at tao manggagaling daw sa kanila kasama na ang kanilang “todo suporta” kaya walang dahilan para hindi pumatok ang franchise mo sa kanila.
IKATLO, ‘yung kanilang “proven and tested formula” kuno na nakasulat lahat sa kanilang business manual, babasahin mo na lang at sundin ng step by step. Hindi mo ito makukuha kung hindi ka maglalabas agad ng iyong pera.
IKA-APAT, kapag naiba-yad mo na ang pera sa kanila, patay kang bata ka!
Nananawagan kami sa mga kasalukuyang emple- yado ng FRANCON INTERNATIONAL, simulan niyo ng mag- isip-isip. Marami nang naisampang kaso laban sa inyong kompanya at marami pang susunod.
Sa mga empleyadong magbibigay ng impormasyon mula sa loob, ituturing naming confidential. Itatago rin namin ang inyong mga pagkakakilanlan.
Nakikipag-ugnayan na kami sa mga susunod na tanggapan upang maipagsanib ang kanilang puwersa: Security and Exchange Commision (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI).
Pinag-aaralan din namin na ipaabot sa lokal na pama-halaan ng Pasig sa kanilang Business Permit ang reklamong ito sa kuwestiyona- bleng operasyon ng FRANCON INTERNATIONAL.
Nakikipag-ugnayan kami sa ilang masigasig at batang abogado na makikipagtulungang maisagawa ang class suit ng lahat ng mga magre-reklamo laban sa bogus na kumpanyang ito.
- Latest
- Trending