^

PSN Opinyon

Mayor Bernabe at Supt. Valdez, maawa kayo sa inyong mga pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAAWA-AWA naman pala ang mga miyembro ng Para­ñaque City Police. Mantakin n’yo mga suki, walong bu-wan na pala ang utang ni Bernabe sa kanyang mga pulis. Tila nagka-amnesia si Bernabe mula nang mangibang bansa kaya hanggang ngayon ay nakatingala sa kisame ang mga pulis sa Parañaque City.

Iyan ang himutok ng aking mga nakausap diyan sa Parañaque City Police mula nang banatan ko si Supt. Alfredo Valdez matapos holdapin ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan ang pamilyang Chua sa Roxas Blvd. kanto ng Airport Road, Baclaran, noong Linggo ng umaga. Naalarma ang aking mga kausap dahil sa tingin nila ang dapat sisihin ay ang hepe nilang si Valdez. Tagasunod lamang sila umano sa mando ng kanilang superior kaya huwag naman silang husgahan na nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin. Ayon sa aking mga kausap, naka-deployed umano ang halos lahat ng pulis sa mga semen­teryo nang maganap ang pananambang. Takot daw si Valdez na makidnapan ng milyonaryo sa dalawang priba­dong libingan. Subalit nang puntahan ko ang lugar ng pinagtambangan sa pamilya Chua ay nanlaki ang aking mga mata, dahil ilang metro lamang ang layo ng Police Community Precincts (PCP-1). Mukhang tutulog-tulog ang commander ng PCP-1 sa loob ng aircondition niyang opi­sina kaya hindi niya narinig ang sunod-sunod na putok ng mga holdaper. Iyan ang pakay ko sa pag-urirat sa com­mand of responsibility ni Valdez na dapat niyang sagutin. Paano na lang ang magiging kapalaran ng mga residente sa Parañaque kung patuloy na magpabaya si Valdez sa kanyang tungkulin? Dapat kumilos si NCRPO director Roberto “Boysie” Rosales laban kay Valdez para hindi na muling mangyari ang ga­nitong insidente.

Masibak kaya si Valdez dahil sa insidente? Hindi po. Ayon sa mga nakausap ko, superlakas si Valdez kay Bernabe at Mike Velarde ng El Shadai. Tikom umano ang bibig ni Valdez sa pag-ungkat ng monthly incentive allowance ng kanyang mga pulis kay Bernabe. Takot din uma­nong dumiga si Valdez ng ka­ragdagang gasoline allowance kay Bernabe kaya pilit na pinagkakasya na lamang ng mga nagpa­pa­trulyang pulis ang kani­lang 15 liters gasoline week­ly allocation bawat mobile car. Saan ma­ kakara­ting ang 15 liters na gasoline? Paano makaha­ ha­bol sa mga krimi­nal kung tipid sa gaso­lina. Hindi lamang pala mobile car ang sising­hap-sing­hap kundi pati mga pulis ay na­gugutom din dahil hindi mai­bigay ang walong buwang incentive allowances.

Mayor Bernabe, ibigay mo na ang ipinangakong incentive allowance sa mga pulis at nang maiba­yad sa kanilang pinagka­uuta­ngan.

Kung na­gawa mong ibi­gay ang allowance ng iyong mga alipo­res sa City Hall, dapat ibigay mo ang para sa mga pulis.

vuukle comment

AIRPORT ROAD

ALFREDO VALDEZ

AYON

BERNABE

CITY POLICE

PULIS

SHY

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with