^

PSN Opinyon

Joey de Venecia hands on sa clean-up operation

- Al G. Pedroche -

PUBLIC service muna sa mga 20,000 residente ng Tondo na constituents ni Rep. Benjamin Asilo. Kaugnay ng pagdaraos ng Undas, aariba na naman ang “Libre Sakay” project ng Kongresista bukas na maghahatid sa mga Tondo residents sa North Cemetery mula 7 ng umaga hanggang 3 ng hapon. 45 jeepney at 17 multi-cabs ang itinalagang magserbisyo kaugnay nito.

* * *

MATAPOS ang malaking pagbaha sa Marikina, ang problema sa lungsod ay ang   nangagtambak na basura sa mga lansangan gayundin ang mga narumihang mga tahanan. Maraming taga-Marikina ang nakapansin sa negosyanteng si Joey de Venecia na nangunguna sa isang massive clean-up drive.

Sabi niya: Relief centers distributing food and clothing are not enough. The housing needs of Ondoy’s victims have to be met too.”

Sabagay, Bagamat marami ang nagbalikatan sa pagbibigay ng pagkain at damit pati na gamot sa mga kababayan nating biktima, hindi dapat kaligtaan ang pangangailangang linisin ang mga tahanan. Ito’y bagay na hindi madaling gawin lalu pa’t iisipin ang malaking volume ng burak na pumasok sa mga bahay-bahay. Terible ang damage na idinulot ng malaking baha sa maraming tahanan. Kaya naglunsad ng clean-up drive ang batang de Venecia upang tulungan ang mga house owners sa paglilinis ng kanilang mga bahay.

Dala ni de Venecia ang mga payloaders, apat na dump trucks, at generator set, water tank, pressure washers at mga walis para simulan ang massive clean-up sa tulong ng mga tauhan.

Kung tutuusin, mabigat na trabaho ang clean-up at kung gobyerno lang ang aasahan, malabong ma­gam­panan ito. At tulad ng babala ng Department of Health, kung hindi ma­aagapan ang paglilinis, sari-saring sakit ang ma­aaring dumapo sa mga resi­dente ng mga apek­tadong lugar tulad ng dengue, ani de Venecia.

Masyado nang vulnerable ang bansa sa mga bagyo at malamang (sana naman ay huwag na) ma­ulit ang ga­noong sitwas­yon. Sabi nga ni de Ve­necia, kung hindi tu­tulong ang pribadong sector, malamang ay bumaho ang buong Metro Manila dahil sa mga basurang inaanod ng baha.

Imbes na batikusin ang kawalang kakayahan ng gobyerno sa pagtugon sa problema, magbalikatan na lang ang lahat. Sabi nga huwag hintayin ang maga­gawa ng pama­ halaan para sa iyo kundi ikaw na mismo ang umak­syon.

Tumulong din naman ng malaki ang Philippine Army sa operasyong si­mulan ni de Venecia. Eh di napa­gandang tingnan na ang mga priba­dong ma­mama­yan ay ka­balikat pa ng militar sa ma­buting ga­wain?

BENJAMIN ASILO

DEPARTMENT OF HEALTH

LIBRE SAKAY

METRO MANILA

NORTH CEMETERY

PHILIPPINE ARMY

SABI

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with