Matino pero walang kakayahan
(Ikalawang Bahagi)
NAAWA si Tita sa kalagayan ni Malou, napakataba nito, mabaho, amoy ihi at hindi nakapag-aayos ng sarili. Agad siyang ipinasuri ni Tita sa mga doktor. Napag-alaman na may sakit siyang tuberculosis, rheumatism, diabetes at sari-saring komplikasyon sa puso dulot ng labis niyang katabaan. Ayon din sa mga espesyalistang sumuri kay Malou, dahil sa mahina niyang kalagayan at kakulangan ng pag-iisip ay hindi kayang pangalagaan ni Malou ang kanyang sarili. Kahit pa ang tamang paggagamot sa sarili ay hindi niya magagawa.
Noong Oktubre 2, 1998, nang hindi pakinggan ng mag-iinang Tina ang hinihingi niyang imbentaryo ng ari-arian ni Malou, nagpetisyon si Tita upang hingin sa korte na gawin siyang legal guardian ng pinsan dahil hindi nito kayang pangalaganan ang sarili, mahinang katawan at mababang kakayahan ng pag-iisip.
Nilabanan ni Tina at ng kanyang mga anak ang petisyon. Ayon sa kanila, ang lahat ng transaksiyon na may kinalaman sa mga ari-arian ni Malou ay legal at walang anomalya. Nakapag-aral naman daw si Malou at alam niya ang konsekwensiya ng lahat ng kanyang ginawa. Matagal na din daw nadesisyunan ng korte ang kakayahan niya kaya nga ibinigay na sa kanya noong 1968 ang lahat ng ari-arian na noon ay pinamamahalaan ng tiyu-hing si Oscar.
Sa paglilitis, si Malou mismo ang tumestigo para sa sarili. Sinabi niya sa korte ang tungkol sa naging buhay niya kapiling ang pamilya ng ama. Inisa-isa niyang ilara wan ang ama, madrasta, mga kapatid sa ama pati na ang mga kamag-anak sa panig ng ina. Sinabi niya sa korte ang tungkol sa malalaking lupain na minana niya sa pamilya ng ina at kung paano ito winal-das ng madrasta at ng mga kapatid niya sa ama. Maalwan ang pamumuhay ng mga ito, nakasakay sa magagarang kotse, samantalang siya ay sa trysikel lang pinasasakay. Ang mga espesyalista naman ang tumestigo tungkol sa kahinaan ng katawan ni Malou at sa estado ng kanyang pag-iisip.
Sa isang desisyon na inilabas noong Setyembre 25, 2001, sumang-ayon ang korte na dahil sa mahinang panganga tawan ni Malou at sa kondisyon ng kanyang pag-iisip ay kailangan na magkaroon siya ng legal guardian para sa kanya at ari-arian. Wala raw kakayahan para sa sarili si Malou. Si Tita ang ginawang legal guardian niya.
Umapela sa Court of Appeals ni Tina at ng mga anak niyang si Celso, Vicky at Tess ang naging desisyon ng kor-te. Noong una ay humingi sila ng rekonsiderasyon sa korte ngunit binasura lang ito. Samantala, nakaalis si Malou sa bahay ng madrasta at tumira sa isang apartment na kinuha ni Tita.
Binigyan siya ng dala-wang katulong na mangangalaga sa kanya. Noong Nobyembre 2003, dinukot si Malou mula sa kanyang apartment.
Sa imbestigasyon ng PACER (Police Anti-Crime Emergency Response), napag-alaman na tinatago si Malou ng mag-iinang Tina sa isang lugar sa Rizal. (Itutuloy)
- Latest
- Trending