^

PSN Opinyon

Librong mali-mali ginagamit pa (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -

ALAM kaya ni Dep-Ed Instructional Materials Council executive director Socorro Pilor ang pinagsasasabi niya? Aniya nirepaso at nakapasa sa mga eksperto ng UP at Ateneo ang librong Landas sa Wika, na limbag ng Dane Publishing House nu’ng 1999. Kung gan’un, bakit naroon pa rin ang mga mali na in-expose noon pang 2004 ni anti-“sick books” crusader Dr. Antonio Calipjo Go? Ilang mga ehemplo:

• Isang Pilipino, si Agapito Flores, ang nakaimbento ng ilaw na fluorescent lamp.

• Hindi makakalimutan ng mamamayang Pilipino       ang katagang “I shall return” ni Heneral Douglas Mc-Arthur. Isinakatuparan niya ito kasama ng kanyang mga kawal hanggang sa tuluyan na nila tayong masakop.

• Napatunayan sa pag-aaral na ang mga babae ay limang ulit na higit na madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Ang pag-iyak na ito ay nagaganap sa pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Maituturing na ito ang mga oras na nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at nakakaramdam ng kalungkutan ang karamihan.

• Sa dakong hilagang-kanlurang dulo ng Pilipinas naroroon ang lalawigan ng Tawi-Tawi.

• Ang La Union ay nasa sentro ng Gitnang Luzon at mga lalawigan sa hilaga. Ang lalawigan ay bulubundukin at simula hilaga hanggang timog ay kapatagan.

• Ang lalawigan ng Laguna ay may malapad na palayan.

• Nagsisilbing hangganan sa silangan ang kabundukan ng Sierra Madre ng Rehiyon II.

• Ang tamaraw ay maliit na hayop na katulad ang anyo sa kalabaw.

• Si Andres Bonifacio ay kinikilalang bayani ng Maynila.

• Ang talaba ay lamang-tubig.

Pampabono sa kabataan ang nilalaman ng librong ito.

(Itutuloy)

AGAPITO FLORES

ANG LA UNION

BULL

DANE PUBLISHING HOUSE

DR. ANTONIO CALIPJO GO

ED INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL

GITNANG LUZON

HENERAL DOUGLAS MC-ARTHUR

ISANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with