^

PSN Opinyon

'Dok, hirap akong makatulog' (Part 1)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Dok, hirap po ako makatulog. Pag na-istress ako, ma­raming bagay ang pumapasok sa aking isipan. Ano ang dapat kong gawin? – JAIME ng Iloilo

Jaime, heto ang mga payo para matulungan ka sa pagtulog:

1. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng 9:00 ng gabi. Ito’y para masanay ang ating katawan sa pagtulog.

2. Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag napagod ang ating katawan, mas madaling makatulog sa gabi.

3. Huwag uminom ng kape o iced tea sa gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

4. Huwag gamitin ang alak na pampatulog. Ang problema sa alak ay mapapaaga rin ang gising mo sa umaga. At saka may hang-over ka pa.

5. Huwag manigarilyo. Ang nicotine ng sigarilyo ay nagpapahirap sa pagtulog.

6. Huwag nang magtrabaho o mag-isip ng problema pagkatapos ng 7:00 ng gabi. Bukas mo na isipin ulit ang mga gagawin. Hayaan mo nang magpahinga ang iyong isipan.

7. I-relax ang iyong isipan. Puwede kang manood ng masasaya sa TV. Ang iba ay nakikipaglaro sa anak. Ang iba naman ay nagbabasa ng magasin o komiks. Gawin ang bagay na nagpapa-relax sa iyo.

8. Huwag tingnan ang relos. Baligtarin ito. Kapag lagi mong nakikita ang relos, baka ma-stress ka dahil hindi ka pa nakakatulog.

9. Huwag mag-schedule ng meeting ng ma­agang-ma­aga. Kung alam mong may meeting ka sa iyong boss ng 7:00 ng umaga, baka hindi ka maka­tulog sa gabi.

10. Gawing kaaya-aya ang iyong tulugan. Pana­tilihing ma­­tahimik at ma­dilim ang iyong kuwarto. Pumili ng malambot na kutson. Mag­lagay ng “Do Not Disturb!” sa labas ng iyong pintuan.

11. Kumain ng isang saging, konting pansit o kanin dalawang oras bago matulog. Nakapagpapa-relax kasi ang mga carbo­hydrates na ito. Puwede rin uminom ng mainit na gatas o sopas.

12. Huwag kalimutang magdasal at magpasala­mat sa Diyos. Ipasa ang lahat ng iyong problema sa Kanya. Ang Diyos na ang bahala dito. Good luck sa iyong pagtulog.

ANG DIYOS

ANO

BALIGTARIN

BUKAS

DO NOT DISTURB

HUWAG

IYONG

KAPAG

PUWEDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with