^

PSN Opinyon

Giyera vs gutom

- Al G. Pedroche -

HUNGER alleviation. Magsilbing hamon ito sa sino mang bagong Presidente na mailuluklok matapos ang 2010 presidential polls. May mga pumipintas sa administras-yon dahil dumarami raw ang bilang ng mga nagugutom na Pilipino. In fairness, may mga mekanismo namang ipinatutupad ang gobyerno laban sa tag-gutom. Ngunit sadya sigurong hindi madaling lutasin ang problemang bunga ng lumolobong populasyon.

Halimbawa, ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay isa sa 30 ahensya na bumubuo sa Anti-Hunger Task Force na inatasan ng Pangulong Gloria Macapagal-   Arroyo para ipatupad ang mga programa laban sa ka-hirapan at gutom sa ilalim ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP). 

Sa pamamagitan ng DAR, 2,100 agrarian reform   communities (ARC) ang umusbong at lumago sa 9,076 barangays. At sa layunin nitong makaahon sa kahirapan at pagkagutom ang mga magsasaka, higit na pinaigting ng DAR ang pag-alalay sa mga magsasakang may legal na usapin. Ang DAR ay nakapagresolba ng 99% ng mga kaso or 326,169 na kasong pang-agraryo sa pamama­gitan ng administrative process at 97% o 320,863 na     kaso sa pamamagitan ng adjudication process.

Kung ating matatandaan, pinirmahan kamakailan ang extension ng CARP law para sa ganoon marami pang mga magsasaka ang makinabang sa programa. Si Health Secretary Francisco T. Duque III ay labis na natuwa sa pagpapahaba ng implementasyon ng CARP, at nanini­walang higit itong makakatulong sa mga magsasaka at trabahador sa bukid upang makaahon sa kahirapan at pagkaalipin. Si Secretary Duque ang siyang namumuno sa Anti-Hunger Task Force.

ACCELERATED HUNGER-MITIGATION PROGRAM

ANTI-HUNGER TASK FORCE

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DUQUE

HALIMBAWA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

SI HEALTH SECRETARY FRANCISCO T

SI SECRETARY DUQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with