^

PSN Opinyon

Panlilinlang (1)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SINASABING masasalamin sa mga gusaling nakatayo sa isang lugar kung gaano kaunlad ang isang lokal na lipunan.

Sa mga gusali rin makikita kung anong uri ng komu­nidad ang siyudad. Kung ito ba ay isang financial o business district o residential man.

Iilan lamang ang nakakaalam at magilan-ngilan la­mang din ang pumapansin sa iba-ibang storya ng pagka­katayo ng mga gusali.

May mga gusaling naitayo sa maikling panaho at meron namang matagal bago matapos ito.

Kung mapapansin ang ilang gusali sa bawat lugar na nakatiwangwang lamang at tila sadyang hindi na tinapos pa, marahil ay nagkaproblema ito. Posibleng kinapos sa pondo.

Subalit may ilang gusali namang naitayo na’y tuloy-tuloy pa rin ang paggawa sa pamamagitan ng paglala-gay ng karagdagang palapag dito.

Kahit na ba may mga nakatira at nangungupahan ritong napeperwisyo na dahil sa walang kakuntentuhan ng may-ari ng gusali. Isa sa mga nakaranas ng ganitong perwisyo ay isang doctor na lumapit sa BITAG.

Inupahan nito ang ilang kuwarto sa ikatlong palapag ng Oracle Residences kung saan binuksan ang kanyang spa at beauty clinic.

Ayon sa nakilala naming si Doc Al, bago pa man niya upahan ang nasabing units, ipinakita ng may-ari ng Oracle residences na low rise building lamang ito na may apat na palapag.

Nailathala pa nga daw sa ilang kilalang pahayagan ang advertisement ng bubuksang gusali noon.

Tamang-tama sa kaniyang negosyo dahil ang ika­ apat na palapag ay ang special feature ng gusali na may pool at banquet, tiyak na magugustuhan raw ng kani­yang mga kostumer.

Iyon pala’y may hidden agenda ang may-ari ng Oracle Residences dahil ilang buwan lamang ang lumipas, sini­ mulan na ang pagpapagawa at pagpapa­dagdag ng nasa­bing gusali ng pitong palapag pa.

Bagay na hindi inabiso sa mga nangungupahan sa gu­sali tulad ni Doc Al at hindi rin nasabi sa kontrata ng magsi­mula siyang umu­pa rito.

Ang siste, kaliwa’t ka­nang perwisyo ang inabot sa kani­yang negosyo, ang kaniyang mga kostumer, nagsimula na ring magrek­lamo.

Paano’y apektado ang elevator kung saan hindi ito magamit, ang parking lot kung saan hindi na mapa­radahan dahil mga cons-truction materials ang na­kaimbak at higit sa lahat hindi na makapagrelax ang kaniyang mga costumer at hindi na rin siya maka­pagsagawa ng mga sensiti­bong operasyon dahil sa ingay at naglalaglagang alika­bok at semento.

Nang manghimasok   ang BITAG, natuklasan namin na may cease and desist order na pala ang Engineering Department ng Quezon City Hall na nagpa­pahinto sa konstruk­siyon   ng Oracle Residences.

Ang tanong, bakit hang­gang ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang paggawa dito? Naak­tuhan pa ng BITAG nitong nag­daang linggo kasama ang mga inspector ng Quezon City hall na pa­tuloy pa rin ang pagtatayo sa karagdagang pitong palapag.

Ang mga sumunod na pang­yayari… abangan sa espas­yong ito sa susunod na araw.

DOC AL

ENGINEERING DEPARTMENT

GUSALI

KUNG

ORACLE RESIDENCES

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with